Ni pagdating

Maharlika Club : Ako, Si Gat, Si Pepe, At Yung Pumatay Daw Kay Magellan (Chapter 6)

2020.11.16 03:12 redkinoko Maharlika Club : Ako, Si Gat, Si Pepe, At Yung Pumatay Daw Kay Magellan (Chapter 6)

All Chapters (Wattpad)
Ch 6 Ayun Lang
Natapos yung class. Wala naman masyado nangyari.
"Jan!" May tumawag sakin.
Siguro aabot na sa milyong beses ko narinig ang aking pangalan simula ng pinanganak ako. Kalahati nun siguro galing sa nanay ko habang sinasaway nya ako sa loob ng dekada mahigit na inilagi ko sa mundo. Iba iba yung pronounciation. Yung iba parang may tinuturo na lugar "Dyan!", yung mga mas konyo ko na kaibigan, kala mo made-in-france yung tinatawag "Jeanne!". Yung mga tamad, hindi na nila iniiba sa John. Low effort na mga kabarkada.
Pero sa dami nadinig ko na version na yun, isa lang ata yung version na kaya akong sindakin at blangkuhin ang pagiisip.
Yun eh pag tinawag ako ng crush ko na si Maika. Kagaya ngayon. Habang kinakausap kita, yung totoong Jan, nakatingin sa kalawakan na parang pinanawan na ng bait.
"Jan?"
Lumapit sakin si Maika habang kumakaway sa harap ng mukha ko. Hong gondo talaga nya. "Oks ka lang?"
Di ako kumibo.
Siniko ako ni Andres. "Tinatanong ka ng dilag sa harapan mo, huy."
Saka ko lang naalala na oo nga pala, sa mundo ng mga tao, ang normal na reaction kapag tinawag ka eh sumagot. "Ah, h-hi nga pala, M-maika."
Tinulak nya ang balikad ko. "Naks naaalala mo pa pangalan ko. Kala ko kinalimutan mo na agad ako eh."
Yeah, sure. Kaklase ko sya sa ilang subjects last year sa basic computer concepts. Kasama sya sa mga tinatagurian naming "anak ng dyos". Yung mga tipong laging near-perfect ang score, at mukhang destiny na magkaron ng Latin Honors at tawagin sa stage ng paulit ulit pagdating ng recognition day. Bukod dun maganda sya. Maputi, chinita, at laging naka cute na bob-cut. Pano ko nalaman na bob cut tawag sa gupit nya? Sya mismo nagsabi nung nahuli nya ako na nakatitig. Bakit daw ba kasi ako interesado sa gupit nya. Ang creeper ng dating ko lalo tuloy. Marami din umaaligid sa kanya na boys. Minsan nakikita ko rin sya may mga kasabay mag lunch pero madalas din sya mapagisa.
"Ah, syempre naman naaalala ko pa kita," sabi ko. Ilang buwan lang naman simula nung nakaraang sem at huli kong check, hindi naman nakakaamnesia yung matapang na amoy ng pine air freshener sa provincial bus.
"Akala ko wala ako kakilala sa Calc101. Hassle kasi naubusan din ako ng slots sa enlistment kaya kinailangan ko magbuo ng sariling sched. Buti andun ka pala! Pacopy ako ng notes ha!"
Notes talaga? Aanhin ng Dean's Lister ang notes ko? Pambalot ng tinapa?
Tumango lang ako na parang tanga. Sa totoo lang di ko rin sya napansin. Siguro nadistract din ako dun sa kwentuhan namin nila Rizal kanina. Speaking of which...
Nagring ang phone ni Maika at sumenyas ng wait at lumayo sakin.
"So Maika pala ang pangalan nya," saktong pasok naman ni Rizal. "Okay na project yan Jan. May dugong haponesa. Me likey."
Medyo nagblush ako pero hindi makapagsalita. "So, kelan kayo maglulunch magkasama?" tanong ni Rizal.
"L-lunch? B-bat ko naman sya sasamahan mag lunch?"
Nagkibit balikat lang si Rizal. "Kasi chicks sya. At type mo sya diba?"
Kung pwede lang umabot sa labas ng shirt ko yung kabog ng puso ko, baka di na makapagusap si Maika sa phone sa tindi ng ingay. Hindi ko kayang yayain si Maika. Kailangan ko bumuwelo. Saka san ko sya dadalhin maglunch? Baka maoffend sya pag sa sisigan ko lang sya dinala. Counted as date ba yun? Pano kung isipin nya na type ko sya tapos basted na agad ako? Pano yung isang buong sem na magkasama kami tapos iwas na sya sakin?
"Ikaw ang kinatawan ng mga dakilang bayani," biglang sabat ni Lapulapu at ng kanyang makinang na peccs, "kung kailangan mo ng tulong kuhanin ang babaeng yan, ako ang bahala."
WAG! pabulong kong sinigaw. Parang awa mo na Datu. Ayaw ko magkaron ng kidnapping case sa unang araw ng school.
"Tanungin mo na,"" udyok ni Rizal, "kaya kami nandito para tulungan ka."
"Bakit di mo na lang hayaan si Jan dumiskarte sa kung anong gusto nya?" lumitaw na rin sa wakas si Bonifacio. "Malalate pa sya sa kanyang susunod klase."
"I feel like this is a teachable moment," sagot naman ni Rizal, "diba kaya nga tayo nandito para tulungan si Jan?"
Umiling si Gat. "Di ako pumunta sa lupain ng nabubuhay para maging wingman."
"Bilis na kasi Jan para di na tayo nagtatalo. Matapos na sya sa phone nya."
Hindi ko talaga magawa. Nanlalamig ang aking mga kamay. Dinilat ko ang mata ko at nagpangabot ang mata namin ni Bonifaco. Nakangiti sya. Tinapik nya ulit ako sa balikat. "Malalate ka na. Sorry, ako na."
Lumapit sya sa akin habang nakatingin pa rin sa mata. Tapos lalo pa syang lumapit. At lumapit.
"T'teka lang Andres anong gagawin mo?" na lang ang nasabi ko.
Akala ko talaga ikikiss nya ako promise. Pero sa sandaling magdikit kami, naramdaman ko ulit yung lamig mula nung kinuhanan nila ako ng kaalaman sa loob ng apartment.
Pwede kaming sumapi sayo para tulungan ka kung kinakailangan.
Holy shet nadidinig ko ang boses ni Bonifacio sa loob ng utak ko. Para akong may Sampung pisong barya sa loob ng ulo ko na nagsasalita.
Nawalan ako ng control sa katawan ko. Nakikita ko pa rin ang mga pangyayayari pero di na ako ang gumagalaw. Nakita ko si Maika na nagbaba na ng cellphone.
"Sorry, Jan, tumawag lang mommy ko," sabi ni Maika pagbalik sakin. Ngumiti ako. Putcha kaya ko pala yun?
"It's okay, Maika. Nothing serious I hope?" sabi ni Andres gamit ang sarili kong bibig. Freaky.
Medyo nahinto rin si Maika bago makasagot. Napansinn kaya nya? Na hindi na ako yung kausap nya? Shetness ano tong ginagawa mo Andres!
"A-ah nothing naman. Just checking up on the first day of classes," sagot ni Maika na parang medyo may kaunting himasmas.
"Anyway, kailangan ko na pumunta sa susunod ko na class," Sabi ni Andres. Tumango naman si Maika.
Medyo nagagamay ko na rin sa wakas kung ano yung trip nitong si Andres.
Tama, kailangan mong hindi malate sa class.
Inisip ko na lang, at least hindi ko na kailangan ayain si Maika kumain diba?
"Oh, by the way, catch up naman tayo for lunch?" pahabol ni Andres habang naglalakad na palayo.
"Sige!" sabi ni Maika na nakangiti na pwede nang tumunaw sakin kung di lang si Andres ang nasa katawan ko. Bakit may pahabol pa an ganun!? Tumingin si Andres kay Rizal at kumindat. Nag thumbs up naman ang pambansang pakboy.
Naramdaman kong lumabas si Bonifacio sa aking katawan. "Okay, may 3 minutes pa tayo para makarating sa next class mo. Handa ka na bang tumakbo?"
Umiling ako. Hinding hindi ako makakatakbo tawid ng campus sa loob ng tatlong minuto. Pero nung sinabi ko yun, hindi sakin nakatingin si Andres.
Kay Lapu-lapu.
"Do the honors, Datu?" tanong in Andres.
Lumapit sakin si Lapu-lapu. Kinilabutan ako.
Pinagsuntok ni Lapu-lapu ang dalawa kong kamao at nag-stretching. "Time to rock and roll, baby," na lang ang nadinig ko habang naramdaman ko ang lamig ng pagsapi sakin ng bayani ng Mactan.

Next Chapter: Rizal Studies
submitted by redkinoko to Kwaderno [link] [comments]


2020.11.08 07:48 redkinoko Maharlika Club : Ako, Si Gat, Si Pepe, At Yung Pumatay Daw Kay Magellan (Chapter 5)

Chapter List
Ch 5 First Day High
Hindi ko alam kung paano, pero nailusot ko naman yung umaga ng unang araw ng pasok kay Lara na hindi nya napapansin na may tatlong goons na umaali-aligid sa bahay namin. Walang nakikita si Lara at wala rin akong balak ipaalala sa kanya. To be fair, di naman sila lagi nasa paligid. Lumalabas pasok sila. Parang mga pusang ligaw. At gaya ng mga pusang ligaw, ayaw ko na rin itanong kung anong ginagawa nila sa mga oras na hindi ko sila nakikita. Sa dami ng pinoproblema ko, parang hindi pa ako handa na idagdag si Tito, Vic, and Joey.
Second year Computer Science student na ako sa San Fidelis University. Ang gusto ko sana sabihin eh dean's lister ako, varsity, at vice president ng campus org kaso wala namang point magsinungaling kasi di naman tayo nagdadate. Hindi ako dean's list. Matter of fact, as of this term, de-blocked na ako kasi nakalimutan ko mag-enlist ng maayos bago magpasukan. Wala rin akong active club. Yung isa lang na mystery club yung pangalan kasi cute yung girl na nasa signup booth nung recruitment week. Mystery Club sya kasi hindi naman ako umattend ni minsan ng mga activities nila at kung ano man yung ginagawa nila e mysteryo sakin.
Calculus ang unang klase ko. Medyo nakakatamad. Wala rin ako masyadong kakilala dun sa class kasi nade-block ako last year. Naisip ko, okay na rin kasi baka marami ako na makilala na bagong kaibigan. May nakilala nga ako, kaso di naman counted pag 1) patay na sila at 2) makikita mo sila sa mga postcards. Speaking of postcard, sino ba yung nakaisip na ilagay yung mga bayani natin sa mga postcard? Sino yung magpapadala ng postcard sa pamilya nila gamit ang mga mukha ng mga bayani? "Namimiss na kita, Sintang Maria. Heto nga pala ang mukha ni Marcelo H Del Pilar. Wish you were here."
Ahem.
"Maganda ang iyong paaralan," wika ni Rizal na sumabay sa paglakad ko papunta sa klase. May hawak na naman syang kape. Starbucks?!
"Bakit ka may Starbucks? Diba multo ka?" gulat kong patanong sa kanya.
"So bale, nakikipagusap ka sa multo ng tao na namatay isang daang taon na ang nakalipas, tapos ang pinakamalaki mong problema eh umiinom sya ng frapuccino?"
Sinilip ko kung nasa paligid si Bonifacio at Lapulapu. Parang wala sila. May schedule kaya sila ng pagdalaw? Okay na rin tong pa-isa-isa, at least hindi kami parang Meteor Garden tuwing maglalakad sa campus.
"For your information, binili ko yung Frap."
"Pero multo ka nga at huli kong check, walang pera ang mga multo. At hindi ka nakikita ng ibang tao diba? At pano yan, nakikita din ba ng ibang tao yung cup?"
Tinapik ako ni Rizal sa balikat. "Alam mo Jan, kung ako sayo di ko na lang iisipin yung mga bagay na yan. Hindi sya ikauunlad ng bayan."
"At ikauunlad ng bayan ang paginom mo ng kape?"
Uminom lang ulit si Rizal habang naglalakad. Nakatingin lang sya sakin. "Masarap sya. I like it. Pag may caffeine mas magiging listo ako. Baka mas makita ko kung anong kailangan naming lutasin, at mas mabilis kaming makakabalik sa kabilang buhay. Saka balita ko masaya din gumamit ng Starbucks points."
Hindi ko na pinilit intindihin yung logic.
Pagdating ko sa classroom, may mga ibang estudyante na rin na pawang mga inaantok . Parang wala akong kakilala sa kanila at yung iba mukhang may hangover pa. Ang term ata sa mga ganitong klase e "latak". Yung mga alam mong di sumabit last term kaya 2nd takers halos lahat. Okay na rin, at least marami akong karamay.
Nasa loob na si Bonifacio at Lapu-lapu. Akala ko pa man din, may number coding yung tatlo. Hassle.
"Calculus pala ito," sabi ni Bonifacio, "mukhang wala naman dito yung kailangan naming solusyonan na problema."
"Familiar ka sa calculus, Gat?" tanong ni Rizal.
"Bahagya lang. May mga aklat akong nabasa dati ukol dito pero medyo matagal na ang nakalipas," medyo nahihiyang sagot in Andres. "Ikaw Lapu-lapu? Malamang sa malamang wala pang Calculus nung panahon mo diba?"
Sumimangot lamang si Lapu-lapu at hindi sumagot. Sinuri nya ang aking mga kaklase. Nakita nya yung usang estudyanteng nakasalamin at mukhang nagrereview, kahit first day of classes pa lang at wala pa kaming topic. Nilapitan ng Datu ito at hinablot ulit ni Lapu-lapu ang kanyang noo. Sinubukan kong pigilan pero ambilis ng pangyayari. Nanlamig ang balat ko kasi kahapon lang dumaan din ako dun. Bayani ba tong mga to o bampira?
Pawang naubusan din ng lakas, sumubsob yung mukha ng kawawang estudyante sa libro. Hindi naman sya pinansin ng ibang mga estudyante na mukhang inaantok din.
"Calculus lang ba? Madali lang yan," yabang ni Lapu-lapu, "tanungin nyo ulit ako pag pagbato na ng sibat ang kailangan matutunan."
"Classic," natatawang sambit ni Rizal.
Mawalang galang na sa lahat ng mga bayani natin, pero minsan talaga pag nakikita ko yung galawan nung tatlo na to napapaisip na ako eh. Dapat ba talaga natin silang iniidolo? Ano nga ba ang taglay nila na wala tayo? Bukod dun sa mind-absorption technique na hindi ko pa rin maipaliwanag at magic na pagbili ng starbucks ni Rizal? Yun na lang ang pinagisipan ko buong klase habang pinapanood ang untiunting naiipon na laway mula sa kaklase kong hindi pa rin binabalikan ng malay-tao pagkatapos syang gatasan ni Lapulapu ng kaalaman.
Next Chapter: Ayun Lang
submitted by redkinoko to Kwaderno [link] [comments]


2020.11.07 15:55 alwaysDC Nakakabwisit na itong sub.

Hindi ako die hard na DDS at hindi ako die hard na anti Duterte. Pero nakakabwisit na and sub na to. Hindi masama ang nationalism, conservatism, at liberalism. Masama lang ang mga to kapag sumosobra. Hindi maintindihan kung bakit inaupvote pa ang mga post na nagsasabing masama ang conservatism. Alam naman natin ito pero nagiging hyperpartisan ang sub na ito. kaya ko sumangayon kay Duterte twing may ginagawa o sinasabi siya na gusto ko.

Ang isa pang nakakabwisit sa sub nito ay ang mga komento tungkol kay Trump at ang election. Hindi diktador si Trump. Alam ko pinupuri ni Trump ang mga diktador na kinakausap niya, pero kasama yon sa negotiation tactics. Minsan dapat magmukhang madali makausap, at minsan hindi. Maraming nagsasabi na puro kasinungalingan at conspiracy ang sinasabi ni Trump na pangdaya. PERO may mga states na nagbago ng rules tungkol sa election katulad ng pagtangal ng requirements ng MATCHING SIGNATURE. May mga observers na hindi hinayaan bantayan ang pagbilang ng mga boto. Tinatakpan pa ung bintana. Sabi ng mainstream media ay pinipigilan ni Trump ang pagbilang ng boto, pero laging out of context pagdating kay Trump. Ayaw lang niya ang pagbilang kapag walang observer at kapag late ang mga balota. Kapag tinangap ang mga late na balota, edi parang inextend ang election day.
submitted by alwaysDC to Philippines [link] [comments]


2020.10.27 20:16 Rainbloodz Muling inihayag ni Pangulong Duterte ang kanyang tiwala sa bansang China pagdating sa karanasan at kaalaman sa #COVID19.

Muling inihayag ni Pangulong Duterte ang kanyang tiwala sa bansang China pagdating sa karanasan at kaalaman sa #COVID19. submitted by Rainbloodz to Philippines [link] [comments]


2020.09.22 21:00 TheKeating5 Cryng about a sorry letter of a wrecked heart at 2am

He sent an email just now. I don’t know what to feel. I just wanted to hug him. But he’s over 11,600 km away from me. I’m sorry. I wish I know, Michael.
[Long Email Content]

It was a saturday night nung nag-celebrate ng debut ang friend natin.
I was with you, your bestfriend, and my bestfriend Dio. We're both shocked nang nalaman natin that they're in a pseudo relationship. That party ended at around quarter to two in the morning. Habang ihahatid ka na namin sa bahay mo, hindi sinasadyang mabanggit ni Dio ang offer sakanya ng isang university sa US. Nagalit si Kathleen, bakit hindi niya daw 'to alam. Sa malawak na kalye ng Taft, nag-walk out ang bestfriend mo, at hinabol naman siya ni Dio. Naiwan tayong dalawa sa loob ng kotse, silently starring at them outside.
Habang pinagmamasdan natin sila, bigla kang nagsalita.
"Anong kayang feeling ng secret lovers?" Medyo nagulat ako sa sinabi mo. And I know naman that you still don't have any idea because you've never been in a relationship at all. At taga-share ka lang ng kilig sa mga couple friends natin.
"Gusto mong i-try?" sagot ko naman. Pero wala akong idea bakit ko yun nasabi. Nabigla ata ako. I was thinking out loud na pala. Pero, hindi mo agad na-gets yung sinabi ko. Kumunot ang noo mo dahil sa pagtataka.
"Gusto mo bang tayo rin? Pero secret lang......hindi lang natin ipapaalam kahit kanino." Pero wala parin akong nakuhang sagot galing sayo. I held your hand pero hindi ka pa rin makapag-react. Tinititigan mo lang ako. Walang ni-anong salita ang nanggaling sayo.
Lumipas ang mga araw, masasabi ko na masaya ako. Masaya ako kapag kasama kita. Kilala na kita since high school, we're schoolmates remember? Ikaw yung tipong medyo invisible pa dati, until you came-out in your shell. Unti-unti kanang nakikilala dahil sa ang galing mong mag-laro ng archery. Medyo nahihiya pa akong i-approach kita dati, baka masabihan mo ako ng feeling close. You're cute. Charming. Lalo na ang gray eyes mo. You keep on smiling kaya kita napapansin dati pa. At matagal na kitang kilala. I just keep on starring you... . from afar.
Walang nakaka-alam that we're on a relationship. Even my friends or my twin sister. Alam lang nila we're just schoolmates dati, close friends, or minsan, classmates tayo sa ilang subjects.
Minsan, tuwing lunch natatawa nalang ako kapag sinasabi mong "uuwi ako" . Kakaripas ka agad ng takbo, ako naman ang dami ko pang excuse na gagawin. Minsan sinasabi ko nalang sakanila that pinapauwi ako ng dad ko or may kukunin ako sa bahay. Minsan iba yung dinadaanan ko at dumadaan pa ako sa kabilang building pa ko para lang hindi sila makahalata. Minsan din dadaan pa ako sa soccer field bago ako pumunta sa parking lot para mag-kita tayo.
Being in this relationship was so hard. Not in a way where in, we're both guys or what. It's just kailangan mainggat, kailangan wala silang alam. One time pumunta tayo sa isang bilyaran kasama natin ang barkada, kasama mo sa isang sulok yung ibang mga kaibigan natin habang ako naka-upo lang sa upuan at nag-tetext. Ikaw yung ka text ko nun diba? Nagpapa-turo ka kung pano mag-bilyar. Tawang-tawa pa nga tayo kung pano kung turuan kita, ano kayang magiging reaction nila. Pero habang nagta-type ako, lumapit sa akin yung isa nating kasama na babae, nag-papaturo kung paano mag-bilyar. Ayaw ko naman na maging mukhang bastos kaya pumayag nalang ako. Hindi ko namalayang nakatingin ka pala sa amin. Hindi ko napansin at naisip na makikita mo kami. Alam kong medyo iba yung galaw nung babae, minsan sinasadya niyang idikit yung boobs niya sa braso ko pero hindi ko nalang pinansin yun. And then, the next thing I knew, wala ka na sa bilyaran. Inikot ko ang mga mata ko sa paligid pero ni-anino mo hindi ko makita.
Panay ang text ko sayo. Pero hindi ka man lang nag-reply. Ang tanga at gago ko. Bakit hindi man lang sumagi sa isip ko na magagalit ka. Magseselos. I dialed your number pero nakapatay yung phone mo. Alam kong galit ka. Pero paano ako makakapag-explain kung ayaw mo akong kausapin?
Nakaupo lang ako sa isang gilid, naghihintay ng reply mo pero biglang bumukas ang pinto at niluwa ka nito. Gustong-gusto kitang lapitan at kausapin pero bawal, makahalata sila.
Pero bakit parang the emotions are real na? May gusto na ba ako sayo?
The next thing I knew, I was inevitably falling in-love with you. Paano 'to nangyari? Pero sa tingin ko, it just happened. I found myself getting excited when I'm texting or talking to you over Twitter, eating lunch or snacks with you, sharing my assignments. I would check my statistics answers thrice just to make sure you would copy the correct solutions.
At my twentieth year, I fell in-love with you. Everything around was multicolored as I live my world in fantasy. I wanted to believe that there was a meaning behind your stolen glances, at sincere ka kapag you said nice things about me. A glimpse, a little compliment or genuine laugh from you really made my day, assigning different interpretations to what your words and gestures really meant.
Pinaniwala ko ng novel series na Sweet Dreams na no matter how impossible things were, the main characters would still end-up together eventually. Kaya naniniwala ako na there was a happy ending for us someday. But the book didn't tell me na sa realidad, love could be solitary feeling that exist. Whether it is returned or not. Because at our senior year in high school, my feelings for you was not only reciprocated, but also unappreciated.
Loving you taught me a lot of lessons, but the toughest one I had to learn was to realized that love knows no gender. Hindi ako sanay na may hinahatid ako kahit dis-oras ng gabi. Hindi rin ako sanay na may tatawag sa phone ko para malaman kung naka-uwi na ba ako or kung pano ako umuwi kapag hindi tayo maka-sama. Hindi ako sanay ng may nag-sisend sa akin ng kanta or gagawan ako ng playlist sa spotify.
Hindi rin ako sanay na tinatakbuhan ng ibang tao. Tulad 'nong sobrang galit ka kase nag-away kayo ng kuya mo, alas-dos ng madaling araw, ako yung una mong tinawagan para maka-usap. Hanggang ala-syete ng umaga tayo magkausap sa phone, kahit na antok na antok na ako, hindi parin kita pinabayaan. Hindi ako sanay, pero ng dahil sayo nasanay ako.
Pero, sa tingin ko hindi talaga pwede. Kase kayo, ang alam niyo may girlfriend ako. Dahil may pinakilala ako sainyo dati. You never met her eversince, pero minsan kasama siya sa jamming ng barkada. Sayang nga lang wala ka lagi.
Ang alam rin ng mga kaibigan at pamilya ko, I'm in a relationship with her. I remember noong birthday ng kapatid ko I invited her. Nasa pool kami that time, naka-lublob ang mga paa namin sa tubig habang nag-lalaro sa cellphone, nagshe-share pa kami nun sa iisang earphones, nasa tenga ko ang isa, habang nasa kanya yung kabila. "I Really Like You" ni Carly Rae Jepsen ang kanta nun nang bigla niyang tinanggal yung earphone sa tenga niya. Tumingin siya saakin at sabay sabi. . "I need to tell you something" . . Tumigil ako sa paglalaro at tinanggal ko na rin yung earphone sa tenga ko. "Ano yun?" sabay tingin sakanya. Biglang kumabog ang dibdib ko. . . . We're both eighteen-years-old when we met. Both fresh graduates from our senior year in high school. It was a summer vacation when we met during our climbs. Iisang team lang kami that time. Mataas yung bundok na pinuntahan namin, it took us 1 1/2 days bago kami makarating sa tuktuk and 1 1/2 days din kaming magkasama. After that climb, we've been close to each other. We talk over FaceTime 'til 5am. Gave her flowers and chocolates, while she gave me a DVD set of Detective Conan Series for my 19th Birthday in exchange for posing as her boyfriend to make her ex jealous. She said "I love you" once, but I'm not sure if I heard it right because we're both drunk.
I like her. She's simple, smart, elegant, generous, and superb humble. She's perfect. Kaya lang, ayaw niya ng commitment, we just let our gestures do the talking for us. I assumed at that time that she likes me too. Wala pa namang siya ina-admit about anything yet, but I let her hug and kiss me. Oo, parang kami pero hindi.
Hindi ako sanay na pinipigilanang feelings ko. Ako kasi, kapag nag-mamahal ako, pinapaalam ko. Pero sayo, hindi ko man lang maamin, dinadaan ko nalang sa mga biro. I don't know that if you feel the same way as I do. Baka nag-a'assume lang ako na you like me as well kahit hindi naman talaga. Even na I'm dying to tell you that I like you, I can't. Because I'm not sure if you'd like it. Baka mapahiya lang ako.
Yung mga oras na nagkaka-yayaan tayo mag-kape kung sa asan. Over cappuccino and latte, nagki-kwentuhan tayo about random stuff in life. And how universe can actually play around and make something unexpected yet so good. That very first day we had a coffee together, I secretly kept that cup sleeve sa kapeng ininuman mo kasi doon nakalagay ang pangalan mo. Tinago ko siya as a memento ng unang coffee date nating dalawa. I don't know, siguro feeling ko kasi masyadong naging significant sa buhay ko ang araw na iyon. May nga gabing di na ako matulog dahil siguro nasobrahan na ako sa kape, at nasobrahan sa iyo.
Dumating ka sa buhay ko nang hindi ko inaasahan. Pero kasabay ng pagdating mo, ang pagbago ng mundo ko. Sa kabila ng pagiging abala ko sa mga bagay bagay, pagkadating sa iyo, nasisira lahat ng plano ko. Hindi ko napapansin ang oras kapag magkasama tayo. At napapansin ko na lang, na lagi kitang hinahanap. Parang hindi kompleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita. At kahit na laging kutang nakakasama, nawala ka lang ng sandali sa tabi ko, miss na kita agad. Lahat na ng mga kabaduyan, pumapasok sa isip ko kapag naalala kita.
Ikaw, alam ko na hindi ka nakabubuti sa akin. Alam ko that in the long run, masasaktab lang ako sa iyo. Pero bakit habang maaga pa, hindi ako umiiwas? Kasi sa ngayon, napapasaya mo ako. Napupunan mo ang ilang taong pagkukulang sa buhay ko. At pinapadama mo sa akin ang mga bagay na akala ko noon, hindi na darating sa akin. . . . "I need to tell you something" . . Tinanggal ko na rin yung earphone sa tenga ko. "Ano yun?" tanong ko sa kanya. Biglang kumabog ang dibdib ko.
"Promise me that you won't be mad ha" sabi niya na mas lalong nagpakaba sa akin.
"Okay" mahinahon kong sagot habang hinahanapan ko siya ng clue sa mga mata niya.
"I'm a lesbian. And.....I'm currently in a relationship with someone" I was shook, I wanna ask her a lot of questions pero, I should be the one to understand and be her friend to support whatever her choices in life.
"Nearly a year na. Kaso she's still in a closet. You know how society reacts naman diba?" I just nodded. Habang nakat-tingin sa tubig sa pool. Now I understand kung bakit ganun ang treatment niya sa akin after all this time.
"One last favor"
"Ano?" sagot ko.
"Pwede bang magpanggap ka tomorrow as my jowa? Kasi si Patrick ang kulit na naman eh. Promise, last na 'to. Ang dami ko nang utang sayo. Pero kasi, ayaw pa din ako tantanan." Sabi niya na may irita sa kanyang boses. Yung ex-boyfriend niya pala gusto pa din siya.
"Ok, sure" sagot ko na naman.

Kinabukasan, nagkita-kita kami sa mall. Nagka-yayaan manuod ng sine pagkatapos kumain. The Martian. Saktong sakto din, fan ako ni Matt Damon. Pagkatapos ng pelikula papalabas na kami ng sinehan, sa hindi inaasahang pagkakataon, nagka-salubong tayo. Medyo gulat ang mukha mo nung nakita mo kaming magkasama. Nataranta ako. Nagalit sa sarili ko. Alam ko, sinaktan na naman kita.
Hindi ako makatulog nung gabing yun. Kating-kati na akong tawagan ka o i-text man lang para makausap ka. Para sabihin sayo na wala lang iyon. Habang naka-titig ako sa kisame ng kwarto ko biglang tumunog ang cellphone ko.
Nag-text ka. Kinabahan ako bigla.
"Itigil na natin 'to. Ayoko na ng ganitong set-up." Text mo sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napa-upo ako sa kama ko at nanginginig na nagtype ng reply ko sayo.
"Huh? Bakit? So, anong gusto mong mangyari?" Sagot ko naman. Sa totoo lang gusto ko nang umiyak. Bakit ganun? Ilang taon kitang minahal sa malayo at ngayon na nandito ka na sa akin, tsaka naman tayo magkakaganito?
"Ewan. Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, Ayoko na ng ganitong set-up ng relationship." Sagot mo. Hindi ko na naligilan ang luha ko. Gusto kitang puntahan sa inyo para kausapin ka at para maayos natin ito.
"Does it mean..Gusto mo na ba akong i-break?" Sagot ko. Naka-titig lang ako sa screen ng cellphone ko at hinhintay ng sagot mo. Umiiyak at umaasang magbago ang isip mo at maayos natin ito. . . .
What I had for you was a classic tale of almost lovers but not quite that lasted for how many years. No, I am still not over you. There would be times when the memory of you still visit me. I paused at the strum of a song and thought of you, forgetting what I was doing. It has beena year since I last saw you up close yet I still could picture every detail of your face, every fiber, every line, every shade even with the photograph fades and crumbles, even if I won't see you again, you would still be vividly remember because you were captured by something more powerful than the camera.
Para kang sisig, yosi at kape sa buhay ko. Hindi ko maiwas-iwasan, hindi ko kayang tanggihan, kahit na alam ko na iisa lang naman ang patutunguhan nito—sakit sa puso.
You would always be the air in my lungs, something that is always close to my heart, something that would be with me until my last breath.
I missed you.
-Michael
———
Bakit ako umiiyak? At bakit ngayon ko lang ‘to nalaman? 🤧
submitted by TheKeating5 to AlasFeels [link] [comments]


2020.09.04 05:35 go-read-it Which ISP and Internet Plan is better and more reliable, in the long run?

TL;DR: PLDT VDSL or Converge Fiber
Hi! I've been planning to have my internet plan (PLDT's DSL, 3 or 5mbps afaik) upgraded. Actually, last year 2019 pa, I had applied for PLDT's Fibr Plan, but to no avail. This year ko lang din ulit naisipan magpa-upgrade ulit since the start of ECQ, which ended with the same result—walang available "slot" unless may kakilala raw na na-disconnect na kapitbahay, pero nakakabit pa rin sa NAP. Very limited lang din kasi yung facilities ng PLDT Fibr dito sa area namin, and I doubt na magdagdag pa sila ng facilities in the near future.
Both attempts ended with the same result, and ni-re-redirect kami lagi ng PLDT if we wanna try raw yung VDSL nila. Half fiber, & half copper ang wire, pero same speed naman daw kung anong speed ng Fibr plans nila. Pero sabi raw kasi ng friend ko, na may relative working at PLDT, no-go raw talaga compared sa Fiber. Naka-ilang ulit na tanong and confirmation din me. Baka sinasabi lang daw samin ng PLDT agent yon dahil hindi mabenta yung VDSL, na kasabayan ng Ultera.
Yung other option, Converge's Fiber. 'Cuz syempre siguro mas okay if pure fiber ang connection, assuming pure fiber nga yung sa converge. Pero with the recent arising issues nila about sa poor customeaftersales service, evident latency and/or packet loss pagdating sa gaming, and internet connection loss.
I wanna know others' honest opinions lang din, if what do you think is better in the long run?
PLDT's VDSL or Converge's Fiber?
If mas consistent kaya sa ngayon, with the situation and all, ang speed ng VDSL vs Converge's Fiber? Or do you think Converge will be able to fix all their issues somewhere in the near future, and go with the pure fiber connection?
Your opinions are much appreciated!
PS. I'm letting the DSL stay if we opt for Converge's Fiber plans, para lang may back-up if all else fails
submitted by go-read-it to Philippines [link] [comments]


2020.08.28 03:03 redkinoko 10 Pinoy Na Makakasama Mo Sa Videoke

Mahilig ang mga Pinoy sa Videoke. Understatement pa siguro yun kasi pag nagkayayaan na ng videoke, parang mga asong unti unting nauulol ang mga Pinoy. Ang listahang ito ay naglalaman ng mga pinoy na madalas na makakasama mo sa videoke sa ayaw mo man o gusto.
Kapitan Basa - Eto yung tao na laging hawak yung song book pero hindi naman pumipili. Di makapagdecide, daig pa ang hukom na manghahatol sa rapist. Hindi mo alam kung pihikan lang talaga sya, o nagpapanggap lang syang marunong bumasa. Iniisaisa nya yung mga kanta at artist, pati na yung mga Chinese at Korean listings habang sobrang seryoso ang mukha, aakalain mo na may exam pagkatapos at kailangan saulado nya ang buong libro.
"Sige lang. Mamaya ako" - May phobia yata sa pagkanta, pero ayaw umamin kaya daig pa ang mga na-summon sa senate hearing sa dami ng delaying tactics. Hindi mo alam kung anong hinahantay nya, ang pagkakataon na makakanta sya nang hindi nahihiya, o ang ikalawang pagdating ni Jesus.
Dodong/Bebang Sawi - Sya yung tipo na puro pang sawimpalad, heartbroken, inapi, at bitter na mga kanta lang ang pinipili. Para syang ipinaglihi sa mga soap opera ni Judy Ann Santos.
Multitasker - Kumakanta habang pumipili ng susunod na kanta habang pumoposing para sa kodak moment at may nguyanguya na pagkain. Sa dami ng sabay sabay na ginagawa ni multitasker iisipin mo na mamamatay na sya bukas at kailangan nyang sulitin ang kanyang nalalabing oras.
Funeraria Jose - Kung may iisang kasalanan man si Funeraria Jose, yun ay ang ipanganak na may boses na naturally depressing. Wapakels kung ano man ang kinakanta nya, sigurado ang kalalabasan nun ay malungkot. Kahit Happy Birthday To You kaya nyang kantahin na parang tugtog sa karo. Pag kumanta sya ng My Way, hindi sya ang mamamatay, yung mga nakapaligid s kanya ang magpapakamatay dahil sa depression.
Nacho King - Ang normal na tao, pag pumunta sa videoke, kumakanta, nakikinig at pag napagod, kumakain at umiinom. Si Nacho King, puntirya lang nya kung ano man ang pagkain na nakahanda. Habang todo birit ang kanyang mga kasama, todo lamon naman ang main event nya. Siguro galing sya sa refugee camp at ngayon lang sya ulit nakatikim ng makunat na nacho.
Chuwariwap - Dalawa ang mic sa mga videoke kadalasan dahil may mga kanta na mas masaya iduet. Pero dahil ang gusto ni Chuwariwap dapat laging masaya, lahat din ng kanta dinuduetan nya. Kahit di nya alam. Kahit katunog ng aksidente sa highway ang kanyang boses. Pag nakasabay mo sya, iisipin mo basag yung mic, may sira ang sound system, at may sumuntok sa iyong tenga.
Boy Pitik - Eto ata ung taong allergic sa song book. Habang masipag na namimili yung mga kasama nya ng mga gusto nilang kantahin, si Boy Pitik naman, abala sa pagpili ng kakantahin sa mga pinagpilian na ng mga kasama nya. Pag may nagustuhan sya na kanta, aagawin na nya ang mic, ang kanta, at ang pagkakataon mo na ipahiya ang sarili mo.
Technician - Taong di makuntento na maupo lang at kumanta. Kailangan lahat ng settings ng videoke machine eh kinakatikot. Akala mo tuloy anlaki ng igaganda ng boses nya pag "optimal" na yung setting ng reverb at volume. Makulit man sa simula, tumatahimik din sya pagkatapos nyang makuryente ka gagalaw ng mga buttons at wiring.
For Export - Yung mga kasamang ganito siguro ang dahilan kung bakit maliit lang ang mga bintana ng mga rooms ng karamihan sa videoke bars sa bansa. Lahat ng performance level niya ay agaw buhay, at parang sinasapian ng kaluluwa ni Mystika. Sa sobrang dami ng kembot, hataw, at split, pwede mo na syang iexport as Japan para magJapayuki.
Runners up:
"Pare Ko" Guy - Sya yung parang ang trip lang sa buhay eh piliin yung "Pare Ko" na kanta, at kantahin yung parte na "Di ba, tang-\#@$*&$! Nagmukha akong tanga!"* ng sobrang lutong, feeling mo eh yun lang ang legal na venue kung saan sya pwedeng magmura.
Shoutout - Pwede kumanta na lang tayo? Hindi ito TED talk. Wala ka rin napanalunan na award. Hindi mo kailangan ng microphone para pasalamatan ang mga kaibigan mo. Pwede mong gawin yun habang nasa traffic tayo at hindi binabayaran ang oras ng videoke room. Mahal ka namin bilang kaibigan pero, please, ipasa mo na yung mic.
submitted by redkinoko to Philippines [link] [comments]


2020.08.22 10:16 rome0501 HWS Aug 19/20, 2020 Text

[ Removed by reddit in response to a copyright notice. ]
submitted by rome0501 to exIglesiaNiCristo [link] [comments]


2020.08.03 19:55 Thefightback1 How Duterte government will respond to various types of crisis in different government settings

Duterte as head of world effort against an asteroid collision
  1. Sampalin ko yang asteroid na yan
  2. Uutang ako ng pera kasi walang wala na tayong pera. Papagawa ako ng spaceship para bombahin yang asteroid na yan....barilin ko yang asteroid na yan
  3. Ang China, pasalamat ako at magaling talaga iyong mga scientist nila at engineer ng rocketship. Umaasa ako na makagawa iyang China na yan ng spaceship na iligtas tayo sa asteroid
  4. Kayong mga astronaut kayo at taga NASA puro na lang kayo reklamo! Go ahead! Start a revolution because I will do a counter-revolution. Kayo ang mag head ng world effort laban sa asteroid.
  5. Hindi na kailangan mag evacuate at gumawa ng bunker. Palakasin nyo na lang mga bubong ng bahay nyo o mag hukay kayo sa lote ninyo sa likod. Ano gawin natin dyan sa bunker na yan, wala na tayo pera.
  6. Iyang media na yan, dapat dyan tanggalin na. Ipasara ko iyang CNN na yan puro lang negative. Bakit, ako ba nag-gusto na magka-asteroid papunta sa earth? Mga bastos iyang CNN na iyan.....I am warning you. Mga put**ina nyo CNN, ipatay ko kayo.
  7. Sabi ng China may rocketship na daw tayo by next year.
  8. Ang i-appoint ko ay si General Sinas na mamuno sa task force sa NASA para tulungan ang China matapos ang rocketship nila. Ang grupo ng mga astronaut na magbomba sa asteroid ay kasama iyan si Cardema.
  9. Kung maggamit kayo ng payong at raincoat; hindi kayo niyan tamaan ng asteroid. I am not joking.
Godzilla attack on Manila
  1. Sampalin ko iyang lintik na dinosaur na iyan
  2. Bombahin ninyo iyang dinosaur na iyan. Ibaril iyan at itapon sa Pasig
  3. Kayong mga looter sa Manila humanda kayo. SHOOT THEM DEAD
  4. Hindi na natin kailangan i-evacuate ang Manila. Bakit, takot kayo sa malaking tuko? Sa Dabaw marami doon tuko. Mga taga manila talag.......put***ina hindi sanay sa tuko
  5. Uutang tayo ng pera para makabili tayo ng mga attack helicopter sa China laban sa dinosaur na iyan
  6. Wala na tayo pera, its not enough for the hungry. Naubos na ang pera sa helicopter......put***ina kamahal na helicopter
  7. Madelay daw ang attack helicopter ng china pero sigurado ako, magka-attack helicopter tayo by december of this year. Gusto ko pasalamatan si Xi Jinping sa ayuda na binigay ng China.
  8. Ang NPA at corruption. Iyan ang rason kung bakit hindi natin maevacuate ang mga tao pagdating ng dinosaur sa Manila. Imbis na tumulong ang mga brgy captain na iyan na puro NPA sympathizer......put***ina ayaw sumunod. Wag niyo ako subukan. Mga neanderthal kayo
  9. Kayong mga biologist dyan sa private, kayo na lang magpresidente. Puro kayo reklamo sa dinosaur na iyan. Kung gusto ninyo kumita ng pera, lumipat kayo sa pulis!
  10. Kung paliguan mo sarili mo ng ihi ng baboy, hindi ka maamoy ng dinosaur. Pag sumuot ka ng raincoat, hindi ka niyan makita ni godzilla.
Duterte government response to zombie apocalypse from mainland China
  1. Iyang bangkay ng zoom-bee iyan, ihi-an ko iyan. Tingnan natin kung mabuhay pa iyang g*gong iyan ulit
  2. No need to close flights from China. China is our friend in this global effort. Hindi naman lahat ng pumapasok dito sa pilipinas zoom-bee
  3. Bakit kayo mga tagalog matakot kayo sa kagat ng zoom-bee. Ako hindi ako takot sa kagat........kung ang viagra hindi magtigas......minsan pakagat ako sa braso..........put***ina naga tigas man pag nagkagat sa braso
  4. Naawa na ako kay Bong Go. Ang mukha nya para na rin zoom-bee because he is working very hard to stop this apocalypse
  5. Bakit ko tanggalin si Mocha. Sino ba nagsabi na zoom-bee si Mocha? Wala man nagkagat kay Mocha....ako lang nagakagat.
  6. I am hoping that we will have enough supply of that T-veerus vaccine in the next few months. Because Jesus Christ from Bethlehem will help China create a vaccine
  7. Mga yawa iyang mga looter na yan. Iyang mga grupo ng looter na iyan, kung hindi kayo magtigil ipabaril ko kayo
  8. Ang kumonistang NPA ang mga put***ina. Ang mg zombie gasunod lang sa inyo. Kaya tayo magkazombie outbreak kasi kayo ang puro na lang reklamo. Eh kayo kaya mag presidente!?
  9. Ang mga brgy captain, hindi kayo dyan mag feudal lord na parang mga oligarch. Iyang mga oligarch na iyan na mga Ayala, kaya kami mahirapan magcontact ngayong zombie apocalypse sa frontline ay dahil sa Globe. Kung hindi niyo i-ayos iyang internet at cellphone connection, kayo bitayin ko at ipakain ko sa mga zombie na iyan.
  10. Kung ang Pilipino maligo ng gasolina, hindi iyan kagatin ng zoom-bee kasi mamatay ang mga zoom-bee nyan. Alam nila iyan, hindi ka makagat niyan
Duterte as head of international response to a War of the Worlds scenario
  1. Bastos iyang yawa na mga tripod iyan. Putulin ko mga paa niyan
  2. Ang sabihin ko sa UN blue helmets, hiram na lang ako ng hum-bee at dala ako flag ng UN. Punta ako doon sa mga tripod at itanim ko iyang flag sa harap nila. Sabihin ko, ito ang planet earth, hindi na kayo magpagulo sa earth
  3. I will assign Bato as head of UN council on security against the el-yeen invasion. I will assign General Sinas to become the earth rehabilitation czar. General Ano will become the head of the health response to the el-yeen invasion
  4. Wala na tayo magawa sa mga tripod na iyan. May mga force field iyan at ray gun. Ano na weapon ng planeta ang makagyera dyan. Wala tayo kahit i-nuclear ko iyan magalakad pa rin iyan at magpatay iyan. Ang mga drug adik na lang sana ang una mapatay ng mga tripod na iyan para maubos na ang mga adik sa mundo. Mahy gahd, I hate draaahgs. Pero ang tripod na yan aminin ko iyan, inutil ako sa mga tripod na iyan
  5. Mga bastos na lintik na yawa iyang mga international media na iyan. Kung ako........mga ANIMAL...DO NOT TEST ME......You do not know me. Kung matakot kayo sa tripod.....mas matakot kayo sa akin kay hindi ninyo ako kilala
  6. Ano ba ang alam ng mga science expert na iyan sa mga el-yeen. Bakit kayo magpress release dyan tungkol sa weakness ng tripod. Eh kung sana sa akin ninyo sinabi eh di magsunod man kami sa inyo
  7. Iyang microsoft na iyan na bitbit ni Bill Gates na putina yawa ng kano na iyan, paano magcoordinate kami maayos na attack sa mga tripod eh kabagal bagal ng mga software mo. Iyang putina rin yan na yawa na Boeing iyan at mga taga Mcdonnel-douglas puro hindi man tumatama mga missile sa tripod
  8. Umaasa ako na makagawa ng mas maayos na missile ang China kaysa mga oligarchy ng boeing. Sigurado yan by december may missile na tayo na makatama dyan sa mga tripod na iyan. Pag natumba mga tripod, ako mismo punta doon at barilin ko mga el-yeen na lalabas sa tripod gamit ng uzi.
  9. Bakit kayo magtago sa mga bunker. Diyan na lang kayo sa bahay ninyo. Hindi man kayo anu-hin ng mga el-yeen diyan kung nasa bahay kayo. Kaya iyan madami namamatay kasi pasaway iyang mga amerikano na iyan, labas ng labas ng bahay, takbo dito takbo doon. Paglumabas kayo ng bahay, SHOOT THEM DEAD
  10. Ang tripod na yan hindi ka maidentify kung mukha ka rin el-yeen. Kaya advise ko, maghanap kayo ng pangatlong paa at ipa-dikit ninyo sa pwet ninyo sa surgeon para hindi kayo mabaril ng ray gun
Duterte as head of world response during rapture
  1. Ano na anti-krayst anti-krayst pinagsabi ninyo dyan? Isa lang anti-krayst sa Pilipinas...... I.....will be your anti-krayst. Iyang anti-krayst na yan, duraan ko iyan
  2. I am saying that, as a country we are very very lucky because of Quiboloy. If ang anti-krayst iyan mapanganak talaga sa mundo, si quiboloy ngayon i-appoint ko as the son of god in the second coming
  3. Bakit kayo makinig dyan sa vatican. Umuwi ka na lang pope!
  4. Ano man na maniwala pa kayo sa ginasabi ng mga pari ninyo? Bakit kayo magpress release at sabihin na ako ang anti-krayst? I DARE YOU! DO A REVOLUTION BECAUSE I WILL CREATE MY OWN RELIGION. I will appoint quiboloy as my own pope.
  5. I would like to thank Chinese support in our efforts against the end of times. Ako maniwala ako that China will be able to create a religion that is strong enough to counter this threat. Even if china is atheist, I believe that the newly established church of Xi Jinping will make the anti-krayst go away.
submitted by Thefightback1 to Philippines [link] [comments]


2020.07.29 11:03 itachi_04 Pahayag ni VP Leni Robredo: Ulat, Mungkahi Ukol sa Pandemya, at Mensahe ng Pag-asa

Pahayag ni VP Leni Robredo: Ulat, Mungkahi Ukol sa Pandemya, at Mensahe ng Pag-asa
Sa puntong ito, halos isang buwan na na mahigit isang libo bawat araw ang dagdag sa mga COVID positive cases ng bansa. Halos magdadalawang libo na rin ang pumanaw, bukod pa sa napakaraming naospital, naubusan ng ipon, nawalan ng trabaho, o nakakaranas ng paghihirap at pangamba sa mga panahong ito. Mahigit limang buwan na ang lumilipas mula nang naiulat ang unang kaso ng COVID-19 sa ating bansa.
Sa malaking bahagi ng panahong ito, minabuti ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo na gawin ang makakaya upang tumugon sa kahit anong paraan basta may maitulong, gaano man kalimitado ang aming budget o mandato.
Humaharap ako sa inyo ngayon upang iulat ang mga natutuhan namin sa panahong iyon: Ang feedback mula sa mga eksperto, mula sa mga doktor, at mula sa mga pinakaapektado—ang hinaing ng mga nasa komunidad, ng mga frontliners, ng mga napipilitang sumugod sa panganib dahil kailangang magtrabaho, ng mga drivers, ng mga locally-stranded individuals na napipilitang matulog sa hagdan o bangketa.
Sa harap ng ganitong kalaking krisis, lalo lang tayong malalagay sa panganib kung matitibag ang mga institusyon nating pampamahalaan. Ituring sanang karagdagang ambag ang pahayag na ito—mga rekomendasyon at aral mula sa halos limang buwan na naming pakikipag-ugnayan sa ating mga kababayan para labanan ang COVID.
Hindi mapipigil ang pandemya kung basta mag-aabang na lang tayo ng bakuna. Kailangang maampat ang pagkalat nito sa lalong madaling panahon. Nagsisimula ang lahat sa tamang datos, na pundasyon ng tamang desisyon. Mula dito, matutukoy ang kung sino at aling mga lugar ang dapat tutukan pagdating sa mass testing, contact tracing, at suporta sa mga komunidad at ospital. Kung magiging tama ang tugon sa aspekto ng healthcare, mako-control ang community transmission, magiging mas mabilis, ligtas, at strategic ang pagbubukas ng ekonomiya, maiiwasan ang pagkawala ng trabaho, at hindi na dadami pa ang dadanas ng kahirapan. Mababawasan ang pangamba ng pagsasara, at hindi na kakailanganing umabot sa punto ng pagle-layoff sa mga empleyado, o mas malala, sa pagtiklop ng mga negosyo.
Ito ang broad strokes ng plano. Wala akong duda na mulat ang pamahalaan dito. Pero malaki ang krisis, at maraming dapat gawin, kaya kailangan nating lahat maging mas maliksi sa pagtukoy sa mga puwang, at maging mabilis at malikhain sa pagpuno nito. Heto ang ilang mungkahi:
Una, linisin at pabilisin ang pagkalap ng datos ukol sa COVID-19. Kung magagawa ito, magiging mas matibay ang pinagmumulan ng mga desisyon, polisiya, at programa para mapigilan ang paglaganap ng virus.
Marami nang mga eksperto ang naglabas ng iba’t ibang platform para maging repository ng datos. Ang kailangang gawin, piliin ang pinakamainam dito, at gumawa ng isang ecosystem ng pagtugon kung saan standard ang pagka-sentralisado.
Isa pa: Kung mali at buhol-buhol ang pag-input ng data, babagal ang validation; babagal din ang proseso ng decision-making. Halimbawa: Sa data na nakakalap, may discrepancy sa mga nagpositive at confirmed cases. May mahigit 113,000 cases ang nagpositive sa testing, ngunit nasa 80,000 pa lang nito ang confirmed cases. Ibig sabihin, kailangan talagang humabol ang verification, dahil maraming positive ang hindi agad naisasama sa opisyal na data.
Dapat magkaroon ng communications campaign para ang mga nagpapagamot mismo ang tumiyak na wastong impormasyon ang naitatala tungkol sa kanila. Malawak ang kakayahan ng pamahalaang magpalaganap ng impormasyon, kaya umaasa tayong magagawa ito sa lalong madaling panahon.
Ikalawa, at karugtong nito: Isama ang mga pamantasan at academic institutions para tumulong sa validation process ng DOH. Maraming gustong tumulong, pero may mga pagkukulang sa volunteer management process. Ilista ang mga handang tumulong at ang kanilang kakayahan, at agad na silang iugnay sa mga unit na nangangailangan ng tulong upang ma-maximize ang kakayahang ito.
Maraming paraan para ma-maximize ang mga gustong tumulong. Halimbawa na lang, puwede nilang pag-aralan ang surveillance at pooled testing: Igugrupo ang mga tao at itetest nang minsanan ang grupong ito. Kung nag-negative na, hindi na sila kailangang isa-isahin pa. Sa ganitong paraan, mas marami ang matetest, pero mas makakatipid sa mga testing kit.
Ikatlo, siguruhing mabilis ang turnover time ng mga COVID-19 tests. Alamin kung bakit nagkakabacklog, kung saang mga laboratoryo ito nagaganap, at tulungan silang makahabol. Sa ganitong paraan, on-time ding mahahabol ng mga contact tracers ang mga dapat pang i-test. Sa contact tracing, alam nating may mga model at teknolohiya nang gumagana, tulad na lang ng sa Baguio. Para wala nang kanya-kanya, tumukoy na tayo agad ng iisang platform at technology, iisang standard na proseso, at imungkahi sa mga LGU na ito ang gamitin kaysa magkanya-kanyang diskarte.
Ikaapat, ukol naman sa mga locally-stranded individuals: Nagpadala na tayo ng rekomendasyon sa kinauukulan na bigyan sila ng libreng swab test bago bumiyahe. Hinahanap din ang mas organisadong pagpo-proseso ng mga LSI—at hindi ‘yong napipilitan silang matulog sa semento o sa ilalim ng tulay, o nagsisiksikan at nalalagay sa mas matinding peligro ng exposure sa COVID. Kailangang maglaan ng maayos na lugar kung saan puwede silang maghintay ng biyahe nang may sapat na espasyo at kung saan din ine-enforce na minimum health standards. Dagdag pa rito, kailangan ding tutukan at bigyang-lakas ang mga LGU para pag-uwi ng mga LSI, magkakaroon sila ng maayos na pagkakakitaan. Puwede itong gawin through cash-for-work programs na partikular para sa mga LSI.
Ikalima: Sang-ayon tayo sa pagkakaroon ng isang “whole of nation approach.” Maisagawa sana ito higit pa sa pagkakaroon ng mga bagong posisyon, bansag, o titulo ng mga tauhan. Ang totoong whole of nation approach, maayos ang pangangasiwa at kumukumpas sa iisang direksyon. Aling direksyon, at sino ang kukumpas? Dapat public health professional na tunay na nakakaintindi ng problema: Pandemya ang ugat ng lahat ng suliranin ngayon. Kapag napigil ang pandemya, isa-isa na ring malulutas ang iba pang hamon, kasama na ang sa ekonomiya.
Ikaanim: Siguruhin ding iisa ang kumpas ng pampubliko at pribadong sektor. Bukod pa sa usapin ng data, pagdating din sa ayuda at sa procurement ng mga kagamitan, marami ang pagkakanya-kanya na kung maiiwasan ay magdudulot ng mas maliksing overall response mula sa lahat. Dapat nang bumuo ng risonableng consensus ayon sa iisang stratehiya, at gumalaw ang lahat nang walang pag-aatubili, pangingimi, o hadlang.
Ikapito: Pangunahin sa isang matibay na healthcare system ang pagpapalakas sa mga ospital. Siguruhin na equitable at sistematiko ang pagbubuhos ng resources sa mga ospital para makasabay sila sa demands ng pandemya. Kung sisilipin ang national data, mukhang hindi pa overburdened ang healthcare system. Pero iba ang sinasabi ng mga ospital na nakakasalamuha namin. Marami na silang kinakailangang tanggihan dahil wala nang espasyo. Natural lang na dapat isaayos ang sistema para makarating ang suporta sa mga lugar na pinaka nangangailangan nito.
At ikawalo, para sa ating mga healthcare workers: Sila ang nasa pinaka mapanganib na situwasyon, at sila rin ang pinakamahalagang sundalo sa laban kontra COVID-19. Natural dapat na pagtuonan ng ibayong pansin ang lahat ng pag-aaruga, lahat ng tulong, lahat ng kasangkapan at serbisyong magagamit nila. Kabilang na dito ang access sa counseling para sa mga healthcare workers sa mga COVID ward. Magpatupad din dapat ng sistema para hindi sila maburn-out, tulad ng maayos na proseso ng pagrelyebo. Sang-ayon din tayo na dapat maging mas makatarungan ang pasahod sa kanila lalo na sa panahong ganito.
Ididiin ko lang: Pandemya ang ugat ng mga suliranin; kapag mabisa itong matugunan, matutugunan din ang iba pang hamon. Conversely: Habang dumadami ang nagkaka-COVID 19, lalo rin nating pinapatagal ang paghihirap ng Pilipino. Marami ang namamatay, at hindi sila statistics lang. Bawat isa sa kanila, may kuwento, may pangarap; may pamilya sila, may nagluluksa para sa kanila. At habang dumadami sila, lalo lang tayong mahihirapang umusad tungo sa isang better normal—dadami ang mga dadanas ng kahirapan, dadami ang hindi makakaambag sa nation-building, tatagal ang biyahe patungo sa katuparan ng mga pangarap natin. Magkakaugnay ang kapalaran ng bawat Pilipino.
Sa ngayon, habang pinagsisikapan nating maampat ang pagkalat ng pandemya, kailangang siguruhin na may sapat na safety nets para sa pinakanangangailangan, habang sinisiguro ding hindi na dadami pa ang mawawalan ng kabuhayan.
Una sa mga hakbang na maaaring gawin para dito ang pagsasabatas ng stimulus package sa lalong madaling panahon. Minumungkahi ng Pamahalaan na ipasa ang CREATE Bill para ibaba ang buwis ng iba’t ibang kumpanya, para maengganyo ang investors na pumasok sa Pilipinas. Magandang layunin ito, pero hindi ito sapat.
Nailatag na naman ng mga ekspertong ekonomista sa Kamara sa anyo ng ARISE Bill. Kung maisasabatas ito, magkakaroon ng dagdag at tiyak na pondo para sa mga mga programa tulad ng wage subsidies ng DOLE at cash-for-work ng TUPAD. Malinaw na mas nakatuon sa pinaka nangangailangan ang ARISE; mas inclusive ito, at mas pro-poor. Gamitin sana ang puwersa ng mayorya upang ipasa ang batas sa lalong madaling panahon.
Ikalawa: Puwede ring magbigay ng tax incentives para sa mga kumpanyang magbibigay ng ayuda sa mga apektado ng pandemya. Mabisang paraan ito para mailahok ang pribadong sekto sa pambansang pagbabayanihan.
Ikatlo: Gamitin ang buong puwersa ng economic cluster, kasama ng akademya at iba pa mula sa pribadong sektor, hindi lang para magpanday ng mga risk assessment study, pero para tiyakin na nakabatay ang mga desisyon sa pag-aaral na ito. Sayang ang kaalaman kung isasantabi lang din natin. Kung alam na natin kung alin ang mataas ang peligro, tiyakin nang ieenforce ang mga karagdagang patakaran sa kanila, kung hindi man isususpinde ang pagbubukas. Malalaman din natin, mula sa mga industriyang mababa ang peligro, kung anong klaseng skills ang puwedeng pagsanayan ng mga empleyadong hindi kayang mag-work-from-home. Pag ma-upgrade ang kanilang kaalaman, mabibigayan sila ng ibang trabaho sa mga industriyang low risk.
Ikaapat: Gumawa na ng buffer stock ng lahat ng mga materyales na kailangan ng bawat pamilya sa panahon ng pandemya: Bitamina, sabon, alcohol, face masks, at iba pa. Siguruhing hindi maaantala ang supply chain. Tutukan ang mga local producers: Suportahan sila ng teknolohiya para mas marami pa silang magawa, at mas maraming makabili na gawang lokal.
Ikalima: Atasan ang buong pamahalaan— ahat ng unit at ahensya, mula taas hanggang baba ng burukrasya—na i-patronize ang mga local businesses. I-prioritize ang mga gamit na dito mismo ginagawa sa Pilipinas, kahit pansamantala lang. Hangga’t maaari rin, i-prioritize ang pagtangkilik sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises. Malaking ambag ang mga ito sa pagsigurong dadaloy ang enerhiya ng ekonomiya sa mga negosyo at komunidad.
Ikaanim, ukol sa Social Amelioration Program. Noong una itong inilunsad, binigyan ng slots ang bawat munisipiyo at lungsod. Maraming mga LGU ang namroblema dahil kulang ang binigay sa kanilang slots. Kailangang gawing mas sistematiko ito; linisin ang government data, at patalasin ang isang central database para sa poverty statistics. Sa ngayon, may iba-ibang registry para sa mga basic sectors, para sa talaan ng maralita, para sa targeting ng mga social protection at social welfare services. Pag-isahin ito, i-validate, at ibangga sa talaan ukol sa COVID-19, upang matukoy kung sino ang dapat i-prioritize sa SAP. Sa ganitong paraan, walang palakasan, at mapa-prioritize natin ang mga tunay na nangangailangan.
Sa mga susunod na panahon, kailangang harapin ang mga suliranin sa ekonomiya. Siguruhing matutulungang makabangon muli ang mga nagsarang negosyo, o di kaya mag-engganyo ng pagbubukas ng bago; palakasin ang mga ito, para makalikha ng trabaho. Tiyak kong alam ng mga economic managers ang mga hakbang para magawa ito: I-empower ang mga MSMEs. Tutukan ang mga key industries tulad ng agriculture. Sang-ayon ako sa Plant, Plant, Plant. Ngunit hindi ito sapat. Kailangang buhusan ng pondo ang sektor ng agrikultura para sa makabagong kagamitan tulad ng cold storage facilities at drying facilities, at para sa imprastruktura tulad ng farm-to-market roads. Mas mainam, mas pangmatagalan, at mas marami ang matutulungan kung nagmumula ang anumang proyekto sa batayang pilosopiya: Empowerment ng Pilipino para panghawakan ang sarili nilang kapalaran. Ang pinakamahalaga: siguruhin na ipapatupad ang mga batas nang patas para sa lahat—nang walang pinapaboran o ginigipit, at nang laging nakatuon sa karaniwang Pilipinong makikinabang sa trabaho at kabuhayang malilikha.
Gaya ng sa ekonomiya at ayudang panlipunan, susunod din ang tugon sa mga hamon sa edukasyon kung maiaayos ang tugon sa mga problemang pangkalusugan. Kung maayos ang datos, matutukoy natin nang may kumpiyansa kung saan ligtas magbukas ng mga pampublikong paaralan. Para sa mga private schools: Now is not the time to burden them with unreasonable restrictions and requirements. Ang kailangan nila, tulong at empowerment—hindi patung-patong na papeles para payagan silang magsimula ng distance learning. Bukod dito, inihahain din natin ang ilang mungkahi:
Una, siguruhing mayroong internet hub ang bawat barangay upang magkaroon ng access ang mga estudyanteng walang sariling gadgets sa mga resources na mahahanap online. Dito rin sila puwedeng magkaroon ng mga tutor na magiging isa pang antas ng suporta, lalo na kung may puwang sa kaalaman o may ibang kailangang tutukan ang mga magulang.
Ikalawa, mag-target ng mga pinaka nangangailangang estudyante upang mabigyan ng gadget o device para hindi maantala ang kanilang pag-aaral.
Ikatlo, capacity building para sa mga teachers. Maraming guro ang may malalim na karanasan sa subject matter nila, pero nahihirapang makahabol sa demands ng distance learning. Kailangan silang tulungan; kailangang ilapit ang pagsasanay sa kanila, para hindi na ito manganak ng mga puwang sa kaalaman ng mga estudyante.
Ikaapat: Gumawa ng modules na magtuturo sa mga magulang kung paano magsagawa ng home schooling. Kasama na dito ang paghahanda ng weekly or monthly curriculum na puwedeng ang magulang mismo ang magturo sa kanilang anak.
Ikalima: Gumawa ng pag-aaral at tukuyin na agad ang mga lugar kung saan walang community transmission ng COVID. Sa mga lugar na ito, lalo na sa mga mahirap ang internet access, pahintulutan ang limitadong pagtuturo sa mga classroom.
Ikaanim, para sa mga namatayan: Bukod sa karaniwang ayuda tulad ng pagamot at SAP, kailangang intindihin ang malawakang epekto sa mga naiwan. Dagdag sa pagluluksa, nawalan sila ng breadwinner o nabaon sa utang. Kapag pinabayaan natin ang mga naiwan, lalo na ang mga anak na nag-aaral, tatawid sa susunod na henerasyon ang pinsalang dulot ng pandemya.
Isang paraan para tugunan ito: Palawakin ang mga scholarship program para matulungan ang mga tinamaan ng COVID: Silang napilitang simutin ang ipon, mga nabaon sa utang dahil sa gastos sa ospital, o mga nawalan ng trabaho at kabuhayan. Bigyan ng scholarships ang mga namatayan. Kailangang tukuyin ang mga dependent ng mga pumanaw, at magbukas ng scholarship fund para sa kanila.
Malinaw ang pangambang bumabalot sa lahat. Kita ito sa mukha ng mga nakasalamuha namin sa ating COVID response efforts. Binibigkis tayo ngayon ng pangambang ito—pero binibigkis din tayo ng panindigang maalpasan ang ating mga suliranin.
Idinidiin ng pandemya ang aral: Magkakarugtong ang diwa nating lahat. Magkakarugtong ang kalusugan at kaligtasan natin, at karugtong naman nito ang bawat aspekto ng buhay natin, mula ekonomiya hanggang edukasyon. Nakatahi ang laylayan sa alinmang sentro, mula Batanes hanggang Jolo.
Nasa iisang panig tayong lahat, at ang pagkamulat sa katotohanang ito ang susi sa pagharap sa hamon ng COVID. Nakikita natin ito sa halimbawa ng mga bansang nagkaroon ng mabisang tugon sa pandemya. Hindi kalabisang mangarap na kaya rin natin ang ginawa ng Taiwan, ng South Korea, Vietnam, ng New Zealand—mga bansang gumawa ng malinaw at tiyak na hakbang, itinuon ang resources sa tunay na kailangan, at nagtulungan. Kaya din natin iyon. May sapat tayong kakayahan, sapat dapat na resources, at sapat na kaalaman.
Malikhain tayo. Maabilidad tayo. At sa dinami-dami ng pagsubok na pinagdaanan natin—sa lahat ng sakuna, sa digmaan at diktadurya, sa pananakop—may isang bagay na tiyak: Nakaalpas lang tayo dahil hindi tayo nagkanya-kanya; dahil pinalawak natin ang saklaw ng malasakit natin; dahil itinuring nating kakampi ang bawat Pilipino, ipinaglaban natin sila, minahal natin sila.
Nakita ko ito mismo sa napakarami nating mga kababayan na lumapit sa aming Tanggapan para magbigay ng donasyon, para mag volunteer na magdala ng PPE at pagkain sa ating mga frontliner, para mag-ambag ng kanilang panahon at talino para makatulong sa gitna ng krisis ng COVID. Malinaw sa akin, hindi pasaway ang Pilipino, kundi laging handang tumulong sa kapwa. Hindi inutil ang Pilipino, kundi may tapang at talino na humarap sa anumang hamon. Hindi talunan ang Pilipino. At tiyak na magtatagumpay tayo laban sa pandemyang ito.
Uulitin ko: Kinaya na natin ang marami pang ibang hamon, at kakayanin natin ito.
submitted by itachi_04 to Philippines [link] [comments]


2020.07.13 18:13 poorunfortunatesoul2 Gusto ko lang naman makatulog ng maayos.

Isang buwan na mula nung umalis ka. Tatlumpung araw na nakalipas ngunit masakit pa. Bakit ganon? Ano ba kailangan gawin para makalimot? Ang sakit na kasi. Gusto ko ng matulog. Ilang araw na akong kinakain ng lungkot. Bakit? Ni patawad o paalam wala ako narinig mula sayo? Umalis ka lang bigla at malalaman kong may iba na? Ano ba ginawa ko't sobra mo kong sinaktan ng ganito? Sana nagsuntukan nalang tayo.
Ginigising ako gabi-gabi ng sakit na binigay mo. Kahit anong oras ako makatulog, pagdating ng alas dos o alas tres magigising pa rin ako't di na ulit makakabalik pa sa pagtulog. At habang inaantay ko ang pagsikat ng araw, sa oras na madilim pa'y wala akong magawa kundi umiyak na lang. Ayoko na. Hindi lang gusto ko makausad mula sayo kundi gusto kong tuluyan na kita makalimutan. Tipong, di na talaga kita kilala. Ang sakit sakit na.
submitted by poorunfortunatesoul2 to AlasFeels [link] [comments]


2020.07.09 04:53 edewups Pahelp

Patulong sa assignments mga lods
Pasagutan ako netong riddle na 'to
Sina Mary at Jack ay bagong kasal at gusto nilang magbakasyon. Kaya nagsimulang magplano si Jack. Nag-book siya ng flight papuntang Cebu. Pagdating nila doon, nalaglag si Mary sa bangin. Sa kabilang dako ng Pilipinas, sa may Cavite, isang lalakeng nagngangalang Sam ang nabasa ang balita na may babaeng nalaglagsa bangin sa Cebu. Alam niya kaagad na ang asawang lalake ang may gawa ng krimen. Paano niya ito nalaman?
Hint: Hindi sila magkakilala sa personal, hindi sinabi ni Jack kay Sam ang kahit ano, hindi rin siya nanghuhula, at hindi rin yon nakalagay sa dyaryo.
Thank youu sana masagutan nyo asap, hehe
submitted by edewups to Tagalog [link] [comments]


2020.06.11 14:07 aabbyy006 66 out of 2k people from Marikina Public Market test positive (rapid antibody test)

PAHAYAG UKOL SA MASS TESTING NA ISINAGAWA SA MARIKINA PUBLIC MARKET (ENHANCED TARGETED MASS TESTING IN THE PUBLIC MARKET SECTOR)
“Mabuti na-test agad…” sabi ni Doc
Mabuti nang na-test natin kaagad para maiwasan ang hawaan kundi marami pang iba ang mahahawa lalo na sa palengke.
Nagsagawa ng enhanced targeted mass testing ang City Health Office (CHO) ng Marikina na bahagi ng puspusang precautionary measures ng lungsod. Ito ay istratehiya ng Marikina upang maging COVID-free ang nasabing palengke at kung may kaso ng COVID-19 ay agarang ma-contain ito.
May mga tsismis na kumalat sa social media na marami ang nagpositibo. Hindi naman itinatago ang numero ng nagpositibo sa rapid testing kundi nagkataon lamang na mas nauna pa ang tsismis bago sa resulta ng testing.
Sa 2,000 na i-test na stall holders, vendors, porters, at helpers, may lumabas sa inisyal na 66 ang reactive na indibidwal.
Apatnapu’t lima (45 ) ay helpers sa kabuuang 66 na nag-reactive sa rapid test. Karamihan pa dito ay hindi taga-Marikina, kundi mga taga Cupang at Mayamot ,Antipolo; Balanti, Cainta; Pinagbuhatan Pasig, at iba pang lugar.
Sinimulan ang Polymerase Chain Reaction (PCR) or swab test sa PCR laboratory ngayong araw, Hunyo 11, 2020, upang malaman kung kumpirmadong nagpositibo sila sa COVID-19. Malalaman sa mga susunod na mga araw kung ilan talaga ang nag-positive.
Sa kasalukuyan, sila ay naka-QUARANTINE at ISOLATE, at hindi pinapayagang magtinda o magpunta sa palengke.
Noong ECQ at MECQ pa tayo, may mga checkpoints at border control points tayo kaya hindi nakakapasok basta-basta ang mga taga-ibang lugar. Ngunit sa ngayon dahil nag-GCQ na ay nawala na ang mga ito, kaya’t mas marami ang namamalengke na taga ibang lugar.
Kaya tayo sa Marikina Public Market ay agarang ipinasara ang mga “suspected” stalls at isinailalim sa quarantine ang mga nag-reactive na helpers at iba pa.
Mabuti nang mas maaga pa lang ay ma-treat na ang mga reactive upang hindi mag –deteriorate ang kanilang kalusugan, at higit sa lahat ay ma-isolate upang hindi na makahawa pa. Ito ang ginawa natin ngayong araw sa tulong ng Brgy. Sta. Elena.
Ang mga nag-reactive ay isasailalim sa confirmatory PCR test. Habang ang nagsasagawa naman ng agresibong contract tracing ang City Epidemiological Surveillance Unit (CESU) sa mga taong kanilang nakasalamuha at mga lugar na pinuntahan.
Hinikiyat na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa CESU na magpupunta sa inyong mga kabahayan o puwesto sa palengke at kailangang magbigay ng matapat na impormasyon para sa contact tracing.
Kung kayo ay may impormasyon, mangyari pong ipagbigay alam sa Marikina Public Market Office.
Batay sa aming inisyal na contact tracing data ng Marikina CESU, taga Barangay Mayamot, Antipolo ang natukoy na posibleng source ng hawaan sa palengke. Malaki ang posibilidad na nakuha niya ito sa kanyang tirahan.
Malaking problema natin ngayon ay hindi taga Marikina ang namamalengke simula nang buksan ang mga borders nang mag- GCQ na.
Sa susunod na mga araw may ay mga bahagi ng palengke na isasara para bigyang –daan ang massive disinfection, at maaring magkaroon ng schedule ang pagtitinda at pamamalengke.
Pinapalalahanan ang lahat na iwasan ang tsismis at maging maingat sa pagbibigay ng balita o impormasyon upang hindi magdulot ng takot, pangamba, at kalituhan sa publiko.
Ang lahat ng mamalengke ay pinaalalahanan na mag-practice ng SOCIAL DISTANCING, maghugas ng kamay, at maligo pagdating sa bahay pagkagaling sa palengke.
Gayun din, pinapayuhan ang lahat na hugasan at lutuing mabuti ang nabiling pagkain sa palengke para maging ligtas sa virus.
At para sa mga nagtatanong kung bakit kailangan ang confirmatory testing, ayon sa World Health Organization (WHO), ang RAPID TESTING ay isang SCREENING TOOL upang matukoy kung sino ang kailangang sumailalim sa PCR or swab test. Ito ay dahil din may physical impossibility na i-test ang buong populasyon kaya kailangang magkaroon ng enhanced targeted testing na tulad ng ginawa sa Marikina Public Market, at sa iba pang sektor.
According to WHO, ‘this is part of a Selective Mass Testing process which follows the recommended strategy to SCREEN, TEST, and TREAT the whole population.’
Dr. Mon Viliran Marikina Public Market Administrator
submitted by aabbyy006 to Philippines [link] [comments]


2020.06.07 12:53 jeuseismyname Alumni Homecoming: Chapter 6 (Final)

10 years na ang nakalipas simula nang umalis ng Pilipinas si Jeuse. Naputol ang pag-uusap nila sa isa't isa ni Jana. Napagdesisyunan ni Jeuse at ng kanyang ate na umuwi ng Pilipinas.
Pagdating ni Jeuse sa kanilang bahay, gumawa agad siya ng paraan para ma-contact si Jana. Pinuntahan niya ito sa kanilang bahay pero ang mama lang ni Jana ang naabutan niya.

"Tao po? Jana?" kumatok si Jeuse sa pinto. "Jeuse? Tuloy ka iho, make yourself at home." sumagot ang mama ni Jana at pinatuloy siya sa loob.
"Hello po tita! Kamusta na po kayo?"
"Mabuti naman, ikaw kamusta ka na? Ngayon nalang ulit kita nakita."
"Nasa Canada po kasi kami, kinuha po kami nila mom and dad."

Napahaba pa ang usapan nila. Tinanong niya rin kung kamusta na si Jana.
"Ay tita, matanong ko lang po kung kamusta na si Jana?"
"I knew you would ask that, pero I think dapat mag-usap kayo. I'm sure Jana missed you so much. Eto ang new number niya, maybe you two could meet?"

Pagkauwi ni Jeuse, tinext niya agad yung number na binigay sa kanya ng mama ni Jana.
Jeuse: Jana? Si Jeuse 'to, and this is my new number.

Maya maya lang ay nagreply na si Jana.
Jana: Jeuse? How did you get my number? Nasa Pilipinas ka na?
Jeuse: Yes, binigay sa 'kin ni tita yung new number mo. Where are you? Can we meet?
Jana: Nasa province ako ngayon. Uuwi ako this weekend, pupunta agad ako dyan.
Jeuse: See you soon! Ingat ka.
Jana: Ingat ka rin!

Dumating ang weekend at umuwi si Jana ng Manila. Pumunta agad siya sa bahay ni Jeuse. Nagdoorbell siya at nakita niya si Jeuse.
"Jana! God, I missed you so much!" niyakap niya si Jana. "I missed you too, Jeuse!" pumasok sila sa bahay.
"It's been a long time, kamusta ka na?"
"I'm good, how about you Jeuse?"
"Well, I'm happy because we met, after a long time."
"I was surprised, akala ko nakalimutan mo na ako."
"Bakit naman kita kakalimutan? I made a promise ten years ago, remember?"
"Yeah naalala ko pa yun. By the way, there's something I want to tell you, kaso..."
"Kaso?"

Nag-iba yung ambiance ng kwarto.
"Jeuse... I... I can't... Hindi ko kayang sabihin." tumulo ang luha ni Jana
"Tell me, tayo lang naman nandito."
"I-I have... May anak na ako. At ikaw ang kanyang tatay."

Speechless si Jeuse.
"Hear me out, okay? One month after graduation, nagpa-check up ako. I was shocked nung nalaman ko. I kept it as a secret. After ilang months, nalaman nila mama, and they asked me kung sino. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I was scared to tell them. Kaya pinauwi nila ako sa province kasama si papa."

Umiyak siya at niyakap si Jeuse.
"Hanggang ngayon hindi alam nila mama at papa kung sino ang tatay niya, I was afraid to tell them."
"Jana... Sabihin mo na sa kanila ang totoo."
"I'm scared. Hindi ko alam pano ko sasabihin sa kanila."
"Sasamahan kita. Tapos ipapaalam na kita sa parents mo. Come with me, papuntang Canada. Doon nalang tayo."

Kinabukasan pumunta silang dalawa sa bahay nila Jana. Sinabi na ni Jana ang totoo. Ipinaalam na rin ni Jeuse na isasama niya si Jana at ang kanilang anak papuntang Canada. Pumayag naman ang magulang ni Jana. Niyakap ng parents niya si Jeuse at nagpasalamat sila.
Sinabi rin ni Jeuse sa kanyang ate ang mga nangyari. She was shocked dahil ngayon lang din niya nalaman. Dumating ang parents nila at nakilala nila si Jana at ang anak nilang si Jenelle Reign.
9 years old na si Jenelle Reign nang kunin siya ni Jeuse. Sa Canada na ito nagpatuloy ng pag-aaral. Si Jana naman ay pumapasok sa company ng parents ni Jeuse.

~~~the end~~~
submitted by jeuseismyname to u/jeuseismyname [link] [comments]


2020.05.20 06:46 BlueTunaCult Thoughts On Filipino TV (probably an unpopular opinion) feel free to comment.

I am not a "native Filipino" pero marunong akong magtagalog at dati natira ako sa Pinas nang ilang taon kaya "Pinoy ako sa puso ;) " pero ngayon nakatira ako sa labas ng Pilipinas kaya paminsan minsan nanonood ako ng Filipino TV, at sa tingin ko parang masyadong cringy/cheesy yun. Mahal n mahal ko yung mga dokumentaryo ni Jessica Soho at Kara David. Magaling talaga silang dalawa, pero pagdating sa mga sikat na palabas sa Pinas tulad ng Showtime at eat-bulaga, parang di ko gits ang appeal. Cringy talaga ang laugh track at parang 2nd grade humor lang ang mayroon. Sumasang ayon ba kayo dito o is there something I am missing. Ganun din kung pwd pakishare niyo ang mga gusto niyong shows, I have almost watched all the documentaries kaya hinahanap ko na yung new series.
submitted by BlueTunaCult to Philippines [link] [comments]


2020.04.18 10:24 nov2017redditor Local TV Timeslots during ECQ.

mababa lang naman yung expectation ko. lalo na pagdating sa dami ng commercials.
kaso ang sabe, 04:05 PM magstart 'yong I-Witness ni Howie Severino.
paglipat ko ng tv, 4 PM, nagsisimula na.
ano ba naman yun? wala namang live shows. bakit di nila maitama yung mga programs nila?
submitted by nov2017redditor to Philippines [link] [comments]


2020.04.03 12:41 TaoQingHsu Isang taong alamat na nabuhay ng 150 taon

Ang pangalan ni G. Dharma sa Sanskrit ay बोधिधर्म at pinangalanan bilang Bodhidharma, na ipinanganak sa timog India noong taong AD 382 at namatay sa Tsina tungkol sa taong AD 535. Ayon sa mga tala, dokumento at alamat, siya ay isang Buddhist monghe at may buhay sa loob ng 150 taon. Kapag siya ay bata pa, siya ay isang prinsipe at pinagaling ng kanyang pamilya ng Royal. Pagdating niya sa Tsina at nagsisimulang ihatid ang Zen-Law, ito ay ang 67 taon pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang guro ng Zen sa India.
Samakatuwid, maaari nating isipin na siya ay higit sa 80 taong gulang nang dumating siya sa China. Sa oras na iyon, ang average na pag-asa sa buhay ng mga tao ay mas mababa sa 50 taon. Si G. Dharma ay talagang isang taong matagal na buhay. Ngunit, alam mo ba kung bakit siya ay nabubuhay nang matagal? Mayroong ilang mga kwento tungkol sa kanya at ang mga dokumento na naitala ng kanyang mga turo sa bibig, na maaaring malaman sa amin kung bakit siya ay nabubuhay nang matagal.
magbasa pa…
https://philippines-bvlwu.blogspot.com/2020/03/si-g-dharma-ang-tagapagtatag-ng-at-ang.html
English:Mr. Dharma, the founder of and the first generation-master of Chinese Zen.
submitted by TaoQingHsu to u/TaoQingHsu [link] [comments]


2020.03.22 16:03 muffin242 UP alumnus wannabe

Hi po mga ate iska at kuya isko hehe. I am a Political Science freshman from a university somewhere in Manila. I failed UPCAT that's why I planned to transfer sa UP as a broadcasting major dahil yon talaga ang gusto ko, kaso ayaw ni mama. Kaya ngayon po ang pinaka last option ko ay may cross enroll pagdating ko ng third year.
Gusto ko lang po itanong ano po ang requisite for transfer, ano pong choices ko sa schedule if ever I will be admitted, and kung tama po ba itong papasukin ko? 😅
Pasensya na po sa maraming tanong, I am in a tight situation where I need to plan out everything before moving (especially in terms of dinancial matter) if I want to make this work. Sana po masagot nyo. Salamat.
PS: I really want to be a broadcaster, I can't see myself doing anything aside from it, and syempre maging UP alumnus rin. :)
submitted by muffin242 to Philippines [link] [comments]


2020.03.14 07:14 jejeboink My grandmother thinks God killed my gay brother because he's gay.

Hi! So it's me again. And I just want to sharr the conversation I had with my grandmother.
First of all, I am a semi-closet atheist inside INC. I was born an inc, was very active in the church since i was a kid, all my friends and all my relatives are INC members. My Facebook feed is full of One with EVM posts. I became an atheist i think 3 years ago. My husband, parents and grandparents know now that I'm a non believer.
So.. my grandmother talked to me and that i should think about renewing my faith to god since mukhang malapit na nga daw ang paghuhukom. Dahil sa corona virus at sa dami ng mga bad na nangyari this year. Usually id just say "YES.. YES.. YES.. i'll reconsider my relationship with god blah blah" para matapos na ang conversation.
Matatapos na sana kami sa paguusap pero nairita talaga ako when my lola said na they (together with my parents) believe na god took my brother away because he's gay and there's no chance of converting him back to being straight. At kaya rin daw siya kinuha ni lord dahil baka magladlad siya at magbigay ng disgrace sa family name namin. (My brother was killed in a car accident 5 years ago)
She also said they believe na may chance pa ako na bumalik into being a believer pero kung wala na talaga baka kunin din ako ni lord tulad ng kuya ko.
Yep.. Thats the kind of god they worship. Not necessarily all INCs believe this, pero mismo ang parents at grandparents ko, they think its ok to kill someone dahil bakla ka or atheist ka.
Usually normal naman kausap ang parents ko, pero ganyan talaga sila pagdating sa faith nila.
Ayun. Never said anything else. I just said "YES na YES". Then left.
Yes na yes. My lola is a bitch.
submitted by jejeboink to Philippines [link] [comments]


2020.03.08 18:21 xerijhhfia Gusto ko na umalis pero wala akong magawa (I want to quit but i cant do anything)

Simula bata palang ako INC na ako. Malakas pa nga pananampalataya ko nun na kapag magkakasakit ako mananalangin lang tas papahirap ng langis gumagaling na ako kaagad. Kaso ako lang Iglesia samin kasi si papa hindi iglesia kaya nagbabalik loob si mama. Naaala ko dati sobrang dami ng katibayan ni mama kaya sinunong nalang nya yung iba. Wala din namang saysay yun kasi ayaw mag iglesia ni papa. Dami din sinasabi ni papa na kung ano anong masama sa iglesia na kinasasama ng loob ko. Pinag tatanggol ko pa sa kanya kahit di ako mananalo sa kanya, sya laging tama. Dumating sa point na nanlamig si mama pero pinipilit nya akong sumba kasi gusto nya kahit ako lang sana maligtas sa pagdating ng pag huhukom. Pilit na pilit ako palagi tuwing sasamba pati sa susuutin ko naiirita ako. Hindi din naman ako nakikinig ng teksto ng ministro. Nakatulala lang ako na inip na inip. Madalas lumilipad lang isip ko.
Saglit lang yun na di sumamba si mama bumalik din sya. Pero di na sya kumukuha ng katibayan kasi alam nya wala naman kwenta yun. Pati yung mga sinasabi ng ministro na di maliligtas yung wala sa talaan ng langit. Dati iyak pako ng iyak kasi naiisip ko ako lang maliligtas tas si mama mapupunta sa impyerno.
Kasama pa ako noon sa choir sobrang saya ko nung una kasi napakagaan ng loob ko na magagamit ko boses ko sa paglilingkod sa kanya. Pero nawalan ako ng gana nung hindi ko nakasundo yung mga kasama mo sa choir. Ang titoxic nila puro parinigan. Pati ako pinaparinggan nila. Minsan kasi napipiyok ako. Sobrang sama ng loob ko na pati yun sinabi nila na may pumiyok na isa jan dun sa pinaka namumuno choir. Tsaka masyadong strict yung namumuno sa choir nagagalit pag may nalate at sobrang aga ng practice. Para bang sya nalang may hawak ng oras namin bawala tumanggi.
Nawalan ako ng gana nun. Pati pag samba. Sinasabi ko sa mama ko ayoko na sumba. Pero di nya maintindihan yun. Pipilitin nya parin ako. Kesyo mapupunta ako sa impyerno kesyo mamalasin ako. Para bang pag nagkamali ako or nagkaproblema ako sa buhay isisisi nya na dahil di na ako sumasamba. Sinabi pa nya na mawawalan saysay buhay pag di na ako sumamba.
Iniisip ko tuloy napakawalang kwenta kong tao. 20 na ako pero sya parin kumokonrol ng buhay ko wala akong sariling desiyon. Para akong nakakulong.
Eto po English translation ginogle translate ko lang sensya na po di po ako ganun kagaling mag ingles
ENGLISH TRANSLATION: Ever since I was a kid I was INC. My faith is even stronger that when I get sick I just pray that the oil will heal and I will recover soon. I am the only church in the church because my dad is not a church so my mom is giving up. I remember when my mom had so much evidence that she started to think of others. It also doesn't make sense because my dad doesn't want to go to church. My dad also says a lot about what is wrong with the church I feel bad about. I would still defend him even if I didn't win him, he was always right. Mom came to the point where she was cold but she forced me to go because she wanted me to be saved when it came to judging. I try to push myself every time I go to church and I feel like I'm being embarrassed. I don't even listen to the minister's text. I was just surprised to be bored bored. It often flies in my mind.
It was only a matter of time before my mom went to church. But he didn't take the evidence because he knew it didn't matter. Even those ministers say that those who are not in heaven will not be saved. I used to cry and cry because I thought I was just going to save my mom from hell. I was still in the choir when I was very happy because I was so confident that I could use my voice in his service. But I lost my appetite when I couldn't agree with those in the choir. Their titoxic is purely paradoxical. They even listen to me. Sometimes because I'm so tired. I am also very upset that they said that there was one jan dunk in the most leading choir. The leader of the choir is not too strict when it comes to practice and too early in practice. As if he was holding our time we refused.
I lost my appetite. Even samba. I tell my mom I don't want to go. But he does understand that. He'll keep pushing me. Cheese I'm going to hell I'm cheating. It was as if I was in the wrong or that I was having trouble in life because he was no longer worshiping. He even said that I would lose my life if I didn't go to church. I think my people are freaking out. I'm 20 but still in control of my life I have no decision. I feel like I'm in prison.
submitted by xerijhhfia to exIglesiaNiCristo [link] [comments]


2020.03.08 04:52 shairamars February 29th

Wag ka nang magtaka kung bakit History ang favorite kong subject. I'm so good at looking back through the past! Char!
Heto na naman tayo sa segment na kung saan mapagtatanto ko na naman ang mga bahagi ng aking nakaraan, hey this isn't bad. Para lang akong share ng share ng on this day sa facebook ganon.
Leap year special tayo ngayon.
PAST.
Wala lang, naisip ko lang kasi, dahil once every 4 years lang to, let's go back to my last leap year. 29 February 2016. I was 19. Nasaan ako non?
Madali ako makalimot pagdating sa mga pinapagawa sa akin pero pagdating sa mga petsa at alaala, I remember everything so well. I remember every inch of you so well.
Nasa school ako non. Naalala ko nagbabasa lang ako ng philosophy book neto. Tapos nagcocontemplate sa existence ng tao. De joke lang. Yung mga kaklase ko nag uusap usap na kung saan mag-OJT. Tapos di ako makarelate. Tapos nung time na to, nagfi-film kami. Ah yes I remember the days. Habang may magazine pa akong nile-layout. Nung mga panahong to sobra akong hindi magkandaugaga, basta ang gusto ko lang nun mairaos with flying colors yung mga pinapagawa sa amin. And thank God, it did very well.
I wasn't thinking about my future. I wasn't even thinking about my OJT. Akala ko nga hindi na ako makakapag OJT noon eh. Hindi pa kasi ako nakakabayad ng tuition pang pre-finals at finals. Nagpapasalamat na rin ako kasi mas kinonsidera ng mga profs ko yung mga outputs ko kahit wala akong ineexam. Kaya super kayod ako non. Kailangan hindi ako lumagpak, at nakadepende lahat yon sa mga project na ginagawa ko. Thankful din ako at nagkaroon ako ng mga kaklaseng kahit wala akong kaambag-ambag, hindi nila ako hinahayaan maiwan sa laylayan. Ayon sabay sabay kami nagbabagsakan! De joke lang. We did it with flying colors!
4 years ago. Walang-wala ako.
PRESENT.
Kung noon lubog pa ako sa utang, ngayon wala na yey. Dati hirap na hirap akong gumapang. Ngayon nag-aapply na ako for masters. Feeling ko gagapang ulit ako.
Hindi ko nakita yung sarili ko noon sa sitwasyon ko ngayon. Sobrang layo na din. Pero alam mo ba. Bakit parang mas masaya ako noon?
This leap year, nasa bahay lang ako. Hindi ako naglamyerda, kasi, idk wala ako sa huwisyo. Nagluto ako ng pangat, tapos champorado. Tapos BTS marathon lang buong araw. Yung mga bagay na wala ako noon, na inaasam ko noon, wala pa rin ngayon wahahaah de joke lang. Meron naman na kahit papaano. But my life wasn't like before, na may flying colors. Today was grey.
Yung mga taong kasama mo one leap year ago, hindi mo na kasama ngayon. Malay mo ganun din ulit sa susunod. Yung mga kasama mo ngayon, hindi mo na makakasama pa sa susunod na leap year. People come and go. I CAME AND GO.
FUTURE.
In February 29, 2024, I'll be 27.
Syempre matapos kong pagnilay-nilayan ang nakaraan, iisipin ko naman where will I be in the next leap year. Buhay pa kaya ako non? Hopefully. May pera pa kaya ako non? Hopefully. May trabaho pa kaya ako non? Hopefully. Yun lang naman ang priorities ko for future. Tapos nagpost si kumareng Jessica ng Bucketlist challenge. So ako naengganyo, aba, nakaka-8/25 na ako. Sana in the next 4 years mas marami pa akong mapuntahan. Mas marami pa akong makilala. Mas marami pa akong matutunan.
Kasal na kaya kami ni ano? Char!! May anak na kaya ako? May anak pero hindi pinanagutan ng jowa? Idk, wala rin naman akong pake hahahaha basta ang importante healthy ako. Nakakakain ng maayos na pagkain. Nakakapaglamyerda. Yun lang naman ang life essentials ko. Tsaka sana hindi na ako iyakin non. Yun lang naman. Tsaka sana hindi na maulit na gaya nung dati na kailangan ko pang mangutang para lang makausad sa buhay. I've done too much for this s---
Ano bang mas magandang compliment?
Yung sasabihan ka na ang laki ng ipinagbago mo? O yung sasabihan ka na hindi ka pa rin nagbabago?
submitted by shairamars to u/shairamars [link] [comments]


2020.01.27 02:35 hulieyo Tagalog na Historical Fiction?

[Sa isang dalampasigan sa may karatig Iligan, hilaga ng Sultanatong Maranao]
NAKAUPO ang isang babae sa kanyang maliit na silid na walang bintana; tila nakaayos sa isang celebrasyon ngunit gayunpamay, ang mga butil ng luhang pumatak sa papag ay dala ng lungkot.
Pintig ng tambol at pagpalo sa kawayan ang mga tunog na pumupuno sa hangin.
Ang bahay na kinaroroonan niya ay bagong bago sa kanya. Ang mga dingding na nakapalibot ay gawa sa kawayan ngunit karamihan ay pinatuyong dahon ng niyog.
Binuksan ang T'nalak sa pintuan dahilan para pumasok ang liwanag ng kinky na umaninag sa munting kwarto. Mula dito ay pumasok ang isang esklabong Maguindanaoan.
"Pinapatawag na po kayo ng Datu para sa pagsasanib dibdib mahal na Ebo." agad na anunsyo ng alipin.
Ngumiti ang babae sa pangalang narinig. Ebo. Pangalang ibinigay sa kanya bilang prinsesa ng tribong B'laan ngunit kailanmay hindi niya na ito magagamit ulit.
"Zhwara.." isang sambit na sinundan ng pagtigil
"Zhwara na lang. Para masanay na ako. " Dagdag ni Ebo.
Habang nag uusap ay nangingibabaw ang ingay ng celebrasyon sa labas ng kamalig.
Nag aalinlangan parin sa "desisyon" ang dalaga. Alam niyang wala na siyang magagawa para sa pagsasanib dibdib at pagiisang tribo sa mga Maranao; ngunit ang pagpapakasal ng isang nitibong prinsesa sa isa sa mga malakas na pangkat muslim ay ang tanging paraan para magkaroon ng proteksyon laban sa mga moro. Ang dating si Ebo ay magiging si Bai Zhwara Danao ng sultanatong Maranao, ikatlong asawa ng Datu sa pangatlong distrito ng Iligan.
"Masusunod po mahal na E--.." agad natigil bago ipinatuloy. "--Zhwara".
Ulit na binuksan ng esklabong Maguindanaoan ang T'nalak sa pintuan at agarang lumabas.
Nakakatuwa ang estorya ng telang T'nalak sapagkat gawa ito ng kasamahang tribo ng babae. Ang mga T'boli ay matalik na kaibigan ng mga B'laan marahil ay nakikita nila ang malaking pagkakahawig sa dialekto at kultura. May mga kuro-kurong iisa lamang ang pinanggalingan ng dalawa ngunit isa sa kanila ang naunang tumiwalag.
Lalo pang humikbi ang dalagang Biraan dahil sa mga alaalang pina-alala ng telang nasambit.
Ang mga bihasa sa larangan ng pagbuburda ng tribong T'boli ang tanging pwedeng magsigawa nito. Isa itong banal na proseso na iginawad ng bathala sa kanila sa pamamagitan ng damgo o panaginip na nagsisilbing inspirasyon para sa disenyo at hulwaran ng tela.
Ngiting pagkadismaya ang nakapinta sa mukha ng dalaga sapagkat ang banal na tela ng kaibigang kultura ay ginawa lamang kurtinang lagusan, paalala sa kaniya ang yamang taglay ng sultanatong Maranao.
Maswerte na lamang siya at hindi mga Maguindanaoan at taga Sultanatong Sulu ang kinasalihan niya dahil kilala ang mga ito sa kanilang paraan ng pananakop.
Kung ang mga Maguindanaoang bigo sa labanan ay ginagawang esklabo o alipin ng mga Maranao; ang mga talunan sa sagupaan laban sa mga Maguindanaoan at Suluanon naman ay kaagad na pinapatay. Tatak morong mandirigma.
Naialis sa kawalan ang isip ni Ebo ng biglaang napatigil ang tugtugan at kasiyahan sa labas.
Agaran siyang tumayo at biglaan ngunit dahan-dahan na lumakad papalabas.
Pinagilid niya ang T'nalak at muntikan ng madapa dahilan ng pagkalimot niya na may isang munting hagdanang gawa sa kawayan ang bubungad sa kanya sa labas.
Dahan-dahan man sa pagkalakad, hindi man agarang nadapa, tuluyan namang nahulog ang isang paa niya sa espasyo sa pagitan ng dalawang apakan.
Sugat ang natamo ni Ebo sa pagkahulog.
Hindi ito kalaliman ngunit malaki ang hiwa nito dahil sa nakausling piraso ng kahoy.
Isang malakas na sigaw ng isang wikang banyaga sa kanya ang narinig ni Ebo. "¡Este lugar extranjero está infestado de MOROS!"
Walang niisang tunog ang naintindihan niya maliban sa huling salita.
"Moro." mahinang bulong niya sa sarili.
Masakit man, pinilit niyang makaalis sa pagkakaipit at paika-ikang lumakad palabas.
Walang tunog na narinig maliban sa mga haplos ng alon at bulong-bulungan ng mga Maranao.
"Mga Maguindanaoan ba iyan?" Manghang tanong ni Musa, isang Iranong paggala gala.
"Hindi, wala silang abilidad para gumawa ng ganyan kalaking barko!" Sagot naman ng isang mason.
"Sinasabi na ngaba't sasakop din ang mga tubong Sri Vijaya! Hindi na sila nakuntento sa Indonesia, kinuha na nga nila ang Iloilo sa mga Ati at ang Sugbu sa mga Pintados, pati ba naman etong Hilagang Danao??" Puna ng isa pang katutubo.
Kinalma ng Datu ang kanyang nasasakupan. "Hindi natin alam kung sino ang dalanng mga bangka at kung ano ang pakay nila ngunit nandito ako para kausapin sila!"
Naguguluhan si Ebo sa pinaguusapan. Hinanap niya ang pinanggalingan ng sigaw kanina.
Dahil sa ilaw na hatid ng bilog na buwan, tumuon ang pansin ni Ebo sa mga malalaking barko na dumaong sa dalampasigan; at sa ibaba nito, nakatayo sa pinong buhangin ang nagsisi tangkarang dayuhan.
Halos sa bandang yaong nakatingin ang mga katutubong Maranao.
"Moro, moro, moro." Dahan dahang sambit ng naunang dayuhan sabay sa dahan dahan rin nitong paglakad.
Sumabay sa kanya sa paglalakad ang iba pa niyang kasama.
Tuluyang naaninag ng mga lampara ang mukha ng dayuhan.
Tila nakakita ng multo ang nga nitibo sa pagkagulat.
Dala narin siguro ng mapuputing kutis na ngayon lang nila nakita.
Siya lamang ang naiiba ang kasuotan kumpara sa mga kasama niyang pinapalibutan ng bakal ang katawan at suot rin ang bakal na sumbrero, hawak hawak ang mga sibat na matulis na bakal rin ang dulo.
Bukod sa natatanging kasuotan, naiiba rin ang armas na bitbit. Bolong pamBisaya ang nakatali sa kanyang beywang.
Siya siguro ang pinuno ng pangkat.
"¡Moro moro!" sigaw ng dayuhan.
Mga salitang paulit ulit nilang binigkas na paulit ulit rin tumakbo sa isipan ni Ebo.
"Ano ang pakay niyo dito?! Ang dalampasigang ito ay sumasailalam sa kapangyarihan ng Kumpederasyon ng mga Sultanatong Maranao! Walang sinuman ang basta basta na lang dadaong dito na walang pahintulot sa Sultan!" Sigaw ng Datu.
Ngumiti ang pinunong banyaga. Nakakasilaw ito dahil sa kanyang mga gintong ngipin.
"Meru...."
"Melu.."
Mga salitang binigkas ni Ebo na siya lamang ang nakakaintindi.
Kahit masakit, tumakbo siya sa harap ng banyaga.
"Zhwara!!" Hinablot ng datu ang kanyang kamay ngunit kumawala siya paalis.
Lumuhod siya sa harapan ng taong maputi at sinimulang sambahin.
"Melu! Sawe! Fiuwe! Dininig niyo ang mga dasal ko para puksain itong mga tasu weh!" Sambit niya sa dilang nakagisnan, B'laan, sabay turo sa direksyon nga Datu at mga kasama nito.
Melu, Sawe at Fiuwe, mga pangalan iyon ng kanyang pagganong diyos diyosan.
Tasu Weh o siyang masamang espiritu. Gamit niyang pantukoy sa mga nitibong sumailalim sa relihiyong Islam.
Malakas ang pananalig niya. Nakalagay ito sa propesiya.
Ang diyos na si Melu na siyang lumikha ay sinamahan ng diyos na si Sawe para pumarito sa lupa.
Sila ay mapuputi. Ubod ng puti. Sa sobrang puti tila ba wala ng bagay na maikukumpara sa kanilang kutis. Puro at walang halo ng kamalian.
Ang gintong ngipin ng banyaga ang nagbigay daan kay Ebo para tukuyin siya bilang ang diyos na sinasamba nila.
Hinawakan siya ng kanyang diyos sa ba-ba paangat upang ipag alam na maari na siyang tumingala at tumayo.
"¡Mira a esta puta desesperada!" Sambit ng diyos niya sa wikang panlangit.
Nagsitawanan ang mga kasama nitong anghel.
"Tignan niyo! Natutuwa ang diyos ko sa pagsamba ko!" Sigaw niya sa mga Maranao sa wikang maiintindhan nila.
"¡Mátalos!" Sigaw ni Melu pagkatapos niyang bunutin at itinutok sa mga Moro ang kanyang Bolong Binisaya.
Sigawan at takbuhan.
Mga morong nag situmbahan.
Mga sibat na nag liliparan.
Mga batang nag iiyakan.
Si Ebo at ang mga dios diosan ay nagsitawanan.
Talsik ng dugo sa mga mukha ng banyagang mapuputi.
Ganun ganun lang at nag simula ang sagupaan. Hindi nga lang patas.
Tumutulo parin ang dugo ni Ebo sa kanyang sugat pero hindi niya mawari kung sa kanya nga ba ito. Dugo. Napapaligiran siya ng dugo kahit saan.
Tumingin sa kaliwa. Ang Datu na siyay sanay papakasalan ngayon ay nakadapa. Tadtad rin ng sibat ang likod ni Musa ngunit gumagapang parin ito paalis.
Tumingin sa kanan. Napangiti si Ebo sa ulo ng sanggol na sinipa sipa lang at patuloy na paggulong gulong. Parang ahas ang pulang likidong gumagapang palabas sa ulo ng naturang bata.
"Zhwara! Mahal na Zhwara" gumapang papunta sa kanya ang babaeng minsan nay pinagsilbihan siya.
Humagulgol sa pag iyak at nag mamakaawa. Ngunit ang ingay na ginagawa nito ay natatabunan lang ng mga sigawan at iyakan.
Ngumiti si Zhwara na mala tasu weh.
Sinipa sipa niya ang kanyang alipin sa mukha hanggang sa hindi na ito makapag salita.
"Dapat lang sa inyo itong mga Muslim!" Giit ng prinsesa.
"Maguindanao? Maranao? Pwe! Pare pareho lang kayong mga sakim!" Masayang sigaw niya na sinundan ng malakas na halakhak.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari.
Masyadong mabilis ang pagkapaslang.
Dahil sa celebracion ay hindi nakapag prepara ang mga Maranao. Walang mga armas.
Masaya ang babaeng si Zhwara at nanatiling Ebo ang pangalan niya. Prinsesa ng mga B'laan.
Tumingin siya sa diyos na tagapagtanggol.
"Mahal na Melu. Maari niyong hintayin ang diplomatikong Maguindanaoan bukas para ipag bigay alam ang iyong pagdating!"
"¿Mindanao?"
"Opo! Maguindanao!" Natutuwa at nasasabik na sigaw ni Ebo.
&&&&&&&&&&&&&&&&-
Parang kanina lang at ikakasal na sana siya sa paraang tradisyunal ng mga Maranao.
Ang kasalan ay pakikipag-kapwa ng mga nitibong B'laan sa kanila upang magsilbing proteksyon laban sa mga Maguindanaoan.
Isang malaking katawan ng tubig ang nililigiran ng kompederasyon na binubuo ng iba't ibang sultanatong Maranao.
Pinapaligiran naman ang mga maliliit na mga sultanatong ito ng natatanging Sultanato ng mga Maguindanaoan.
Paunti unting sinasakop ng mga Maguindanaoan ang mga karatig bayang Iranong Muslim at mga nitibong B'laan na palipat lipat ng bundok.
Ang ritwal ay magaganap sana ngayong kabilugan ng buwan kung di lang naudlot dahil sa di inaasahang bisita
Isang nakakaaliw na kaalaman tungkol sa mga muslim; Ang kanilang kultura at pagsamba ay nakaangay sa galaw at posisyon ng buwan. Isang nakakatawang gawain para sa mga B'laan.
Alam na ni Ebo dati pa ang kapalaran. Iaalay siya sa etnikong moro na ito sa panahong tutungtong siya sa pagka dalaga o labing apat na gulang.
Ilang beses na siyang nagtangkang tumakas pero hanggang doon na lamang iyon.
Bumalik ang atensyon niya ng bigla siyang inakbayan ng panginoong Melu.
Ngayon lamang tumatak sa kokote niya ang mga pangyayari....
At ng ibinaling niya ang atensyon niya sa mga banyaga, nakita niyang nakapila ang mga ito.
Lahat nakangiti.
Lahat nakatingin.
Tenga sa tenga ang mga ngiting nakakaloko.
Isang malakas na kalabog.
May naramdamang pwersa sa likod ang dalagita dahilan ng kanyang agarang pagkadapa.
Nakita niyang hinuhubad ng kanyang sinasamba ang suot niyang pang ilalim.
Dali daling gumapang ang prinsesa ng bigla siyang hinawakan ng mahigpit ng dalawa pang puti.
Ginapos ang kanyang kamay at paa at agad siyang pinagtulungan ng mga dayo.
Damang dama niya ang sakit na dulot ng pagkalalaki ni Melu.
Sa isang banda, napaisip siya na ang ginagawa kanya ay isang banal na pangyayari at isang propesiyang di naisulat.
Di makawala. Walang magawa.
Malakas at malamig na ihip ng hangin ang dumampi sa balat niya, dahilan ng agarang pagkamatay ng mga lampara.
Mahapdi ang sugat niya sa paa ngunit mas mahapdi ang sugat ng pagkababae niya.
Nakatingin lang siya sa gintong ngipin ni Melu habang patuloy siyang minamali nito.
Di. Parin. Maka. Paniwala
Puting walang kamalian? Pwe!
Handog nga ba ito ng panginoon? Nabura sa isipan niya ang palaisipang ang lahat ng itoy nangyayari sa isang nagandang rason. Kala ko ba ako ang magdadala ng anak ni Melu?
Pero ba't ganon?
Paiba iba. Sunod sunod.
Yun pala ang rason bakit sila nakapila.
Malamig man ang paligid ngunit parang alipato sa init ang kaloob-looban ng Biraan
Mahapdi. Masakit. Ikapitong lalaki na 'to ngunit masakit parin.
Sa tuwing umiiba ang lalakeng nakapatong sa kanya, iisang bagay ang napapansin niya.
Isang bagay na kaagad nagpakita sa kanya ng kamalian niya.
Hindi ito nakalagay sa propesiya.
Hindi ito naisabi ng punong babaylan.
Bakit ganito??
Lahat sila'y may gintong ngipin.
&&&&&&&&&&&&&&
Kita ko lang sa wattpad. Rare occurence ng story na hindi cliche.
submitted by hulieyo to Philippines [link] [comments]